The Beginning of the Wrath
Malakas akong napabuga ng hangin dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakahanap ng trabaho. Ilang araw na akong naghahanap ng trabaho at wala pa ring tumatanggap sa akin. Ang hinahanap naman ng karamihan ay iyung may experience na. Paano ba ako magkakaroon ng experience eh kakagraduate ko lang. Nagtapos ako sa kursong communication. Ito ang napili kong kurso dahil sa gusto kong nakikipag usap sa iba’t ibang tao.
“Oh, Tina andito kana pala. Nakapag-saing kana ba?” bungad sa akin ng aking tita Selya.
“Kararating ko lang ho tiyang. Galing po kasi ako sa labas, nagbabakasali na makahanap ng trabaho.” malungkot kong anas dito.
“Ganun ba? Mgpahinga ka muna. Ako na muna nag magluluto. Ganyan talaga. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo. Pasasaan ba’t makakahanap ka rin ng trabaho.” Mabuti pa si Tiyang Selya, tumayong mga magulang ko. Samantalang ang tunay kong mga magulang ay hindi namin malaman kung saang lupalop naroon. Ang huling balita namin dito ay sumama sa mga bandido.
“Sige po tiyang. Akyat na po ako sa kwarto ko” malungkot kong wika dito na siya naman tinanguan nito.
Umakyat na nga ako sa hagdan patungo sa aking kwarto at pabasta na lamang nahiga sa kama kahit pa amoy pawis ako. Malalim naman akong napaisip.
Kailan kaya ako makakahanap ng trabaho kung wala namang tumatanggap sa akin. Gusto kong tulungan si tiyang Selya dahil tumatanda na ito. Ayaw ko namang mahirapan pa ito sa pagtatrabaho. Siya lang kasi ang nag ooperate sa sarili nitong negosyo sa may bayan. Siya iyong may-ari ng malaking grocery store doon. Ilang beses na rin akong inalok ni tiyang na mag cashier kaso hindi ko iyon forte. Hindi na nakapag asawa pa si tiyang dahil nagfocus siya sa pagpapalaki sa akin.
Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan na akong nakatulog. Naalimpungatan ako sa mga katok na galing sa labas ng kwarto. Nang tignan ko ang ang orasan ay pasado alas sais na ng hapon. Napahaba ang aking tulog. Agad na akong bumangon at tinungo ang pinto.
“naistorbo ko ba ang tulog mo, iha?” Nag aalalang tanong ni toyang.
“Hindi naman po. Kagigising ko lang po. Bakit po tiyang?” hihikab hikab pa na tanong ko sa aking tiya.
“Kakain na tayo. Maligo ka muna at amoy pawis kana.” Natatawang anas ni tiya pagkatapos ay agad ng umalis sa aming harapan.
Oo nga pala hindi man lang ako nagbihis kanina at pabasta na lang akong nahiga sa aking kama. Panigurado dumikit ang aking amoy pawis sa aking higaan. Mabilis kong tinanggal lahat ng saplot sa aking katawan. Wala akong itinira kahit isa at dali dali akong nagtungo sa banyo.
Matapos ang tatlumpong minuto ay natapos din ako sa aking pagliligo. Binalot ko lamang ang aking katawan ng tuwalya at nagtungo sa aking walk in closet. Napili kong isuot ay isang maiksing shorts kung saan kitang kita ang mahahaba at makinis kong mga hita. Tinernuhan ko naman ito ng sando. Mas gusto ko ang mga ganitong suotin dahil presko at nakakaseksing tignan.
Kung hindi ninyo naitatanong ay suki kami ni tiyang selya sa mga beauty pageants.
Kung pagandahan lang ang labanan may ibubuga naman ako. Napailing na lang ako sa aking naiisip. Inayos ko lang ang aking maiksing buhok na above the shoulders. Pinakulayan ko pa ito ng ash gray na talagang bagay na bagay sa kaputian ko. Nang masiguro kong maayos na ako ay nagdesisyon na akong bumaba upang saluhan sa kusina si tiyang.
Kasalukuyan akong bumababa ng hagdan nang makarinig ako ng mga taong nag-uusap. Hindi kaya may bisita si tiyang? Dala ng kuryosidad ay mabilis kong tinungo ang kinaroroonan ng mga boses na iyon.
“wala kayong makukuhang sagot sa akin! Hindi ko alam ang mga sinasabi ninyo!” malakas na hiyaw ng aking tiyang selya.
Labis labis ang aking kaba ng mga sandaling ito. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa at mabilis kong kinuha ang baseball bat. Mukhang magagamit ko na ngayon ang ilang taon kong pag eensayo upang maging ganap na malakas at mahusapy na agent ng bansa.
Oo nga pala. Hindi lamang pag aaral ang inatupag ko noon. Puspusan din ang training na aking ginagawa dahil isa sa pangarap ko ang maging isang tanyag na agent ng bansa. Ilang taon din ang iginugol ko sa pag tetraining at masasabi kong bihasa na ako. Hindi ito alam ng aking tiyang selya dahil lihim akomg tumatakas dito sa gabi upang magtraining. Dali dali akong nagtungo sa kinaroroonan ng aking tiya habang hawak hawak ang baseball bat.
Nakita ko ang dalawang lalaking nakahawak sa magkabilang kamay ng aking tiya habang ang isa nama’y walang awang pinagsasampal ang aking tiya. Hayop! Hindi ko matanggap na basta na lamang saktan ng kung sino ang aking tiya. Sa labis kong galit ay basta ko na lamang hinampas sa ulo ang taong sumampal sa aking tiya.
Wala na itong nagawa pa at tuluyan ng bumagsak sa sahig. Balak ko na sanang hampasin pa ng baseball bat ang isang kalaban ay bigla itong sumugod gamit ang dala nitong kutsilyo. Maliksi naman akong nakaiwas dito sabay tambling ko ng mataas at pabulusok papunta sa kalaban ko. Agad ko namang inumang aking baseball bat at basta ko na lang itong hinampas at isang sipa pa sa tiyan niyto ang aking iganawd dahilan kaya ito tumama sa pader. Nang masiguro kong hindi na makakatyo ito ay dali dali akong sumugod sa natitira pang kalaban na ngayon ay ginawang hostage ang aking tiya.
“huwag ka ng lumapit, Tina! Umalis kana! Iligtas mo ang sarili mo anak!” Nanghihinang anas ng aking tiya. Kahit duguan na ang mukha nito at nahihirapan na ay ako pa rin ang iniisip nito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at pinakawalan ang luhang kanina pa gustong lumabas.
Nanlilisik naman ang mga mata kong nakatingin sa taong nasa likuran ng aking tiyang. Mababakas sa mukha nito na hindi magdadalawang isip na gilitan sa leeg ang aking tiya. Hindi ako pwedeng magpadalos dalos lalo at buhay ng aking tiya ang nakataya dito. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at matalim na nag isip ng dapat gawin.
“Huwag mo ng tangkain pang iligtas ang tiya mo dahil hindi na sya sisikatan ng araw! Pwede naman siyang makaligtas, iyun ay kung ibibigay Ninyo ang aking hinahanap! Ilabas mo na ang teddy bear!” galit nag alit na sigaw ng taong humostage.
Napakunot naman ang aking noo at humagalpak ng tawa. Tangina! Teddy bear lang pala ang hinahanap ng hinayupak kailangan pang manakit ng kapwa tao.
Natatawa at nailing na lang akong lumapit dito. Nang ihahakbang ko na ang aking mga paa ay bigla na naman siyang sumigaw. This time, hindi na nagbibiro ang kapalaran.
“Huwag mong tangkain pang lumapit. Dahil oras na lumagpas ka Riyan sa upuan na iyan. Tiyak paglalamayan ang tiya mo. Ilabas mo na ang teddy bear” at mariin nitong itinutok ang kutsilyo sa leeg ng aking tiya kung kaya’t nagkaroon ng dugo.
“Anak, hayaan mo na lang ako. Umalis kana! Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may nangyaring masama sayo.” Kahit nahihirapan na ay pinilit pa nitong magsalita. Ngunit hindi ko ito pinansin.
“Teddy bear lang naman pala ang hinahanap mo. Bakit dito ka pa nagpunta sa aming tahanan. Aba’t maraming teddy bear sa mall ha. Dun ka maghasik ng lagim!” Mapang uyam kong ani dito. Tsaka ako mabilis na tumalon paitaas hanggang sa makarating ako sa likuran ng aking kalaban. Mabilis ko namang hinampas ang batok nito gamit ang aking baseball bat.
Tuloy tuloy namang bumagsak sa lupa at nawalan ng malay tao. Mabilis naman akong napatayo dahil naramdaman kong merong tatama sa aking batok. Mablis kong inangat ang aking paa at buong lakas kong sinipa ang sikmura ng taong balak akong hampasin ng baril. Kitang kita ko naman kung paano ito tumalsik palabas ng kusina.
Nang masiguro kong wala ng kalaban ay agad akong nagpunta sa aking tiya selya. Naawa ako sa kalagayan nito ngayon dahil sa namamaga nitong mga pisngi gawa ng pagkakasampal sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone sa aking bulsa at tinawagan ang aking kasamahan sa pagiging agent.
“Dion, may problema ako. Kailangan ko ng tulong mo. Puntahan moa ko dito sa aming tahanan. Ngayon na” mariin kong utos sa aking kaibigan. Dahil kailangan ko munang itago ang aking tiya. Nakakatiyak akong babalik pa rito ang iba pang kasamahan ng mga lalaking nanloob dito sa aming tahanan kanina.
“tiyang, kilala niyo ho ba kung sino ang taong basta na lang pumasok dito sa ating tahanan? Ano bai tong teddy bear na hinahanap nila? Maglalaro ba sila ng teddy bear kaya nila ito hinahanap?”
Kahit nanghihina na si tiyang ay nagawa pa akong batukan nito. Nagtatanong lang naman ako. Hinawakan ko na lamang ang aking ulo. Ang sakit naman ng batok ni tiyang.
“Pilosopo ka Talaga kahit kailan, Tina. Sige, sasabihin ko na sa iyo ang totoo. Ang mga taong iyon ay mga kasamahan ng iyong inay at itay. Hinahanap nila ang teddy bear dahil itinago ng mga magulang mo ang isang susi. Ipinatagao sa akin ng mga magulang mo ito bago sila nakuha ng mga bandido.” Nanghihinang anas ng aking tiyang. Mababakas sa mukha nito ang pag aalala para sa kanyang kapatid, si inay Mandy.
“Hindi rin totoong iniwan ka ng iyong inay at itay. Sapilitan silang kinuha ng mga bandido. Nasa ibang lugar ka noon. Busy sa iyong pag aaral. Hindi ko na nagawa pang sabihin s aiyo dahil alam kong mawawalan ka ng focus sa iyong pag aaral. Nangako ako sa kapatid ko na nanay mo, na aalagaan kita at ituturing kitang parang tunay ko ng anak.
Kahit Hindi mo sabihin sa akin alam ko kung saan ka naglalagi sa tuwing umaalis ka ng madaling araw. Kilala ko rin ang mga taong tumutulong s aiyo upang maging mahusay kang agent ng bansa. Kuhanin mo ang bagay na nasa loob ng drawer sa ating sala at dalhin mo rito.”
Labis akong nagulat sa mga isiniwalat sa akin ni tiya. Kung ganon matagal na niyang alam ang aking mga ginagawa. Hindi ako makapaniwala sa aking mga nalaman. Gusto kong hanapin ang aking mga magulang. Lalo namang sumiklab ang galit sa aking puso. Gusto kong hanapin ang mga taong kumuha sa aking mga magulang.
Marahas akong napabuntong hininga at dali daling natungo sa sala upang tignan ang bagay na sinasabi ng aking tiya. Isang kahong itim ang tumambad sa akin.
Mabilis ko naman itong kinuha at dali daling nagtungo sa aming kusina kung nasaan si tiya Selya.
Ngunit, mas lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib ng makarinig ako ng tila nahihirapang tao. Kinutuban na ako na si tiya nga ito. Mga hayop sila!
Mabilis kong ikinasa ang baril na nakita ko sa tabi ng kahon.
At walang babalang pinagbabaril ang taong sumasakal ngayon sa aking tiya. Wala akong paki alam kung makapatay ako. Dahil mas mahalaga ang buhay ng aking tiya kaysa dito sa mga halang ang kaluluwa.
"Tina!" Mabilis akong lumingon sa taong tumawag sa akin. Nakaramdam nman ako ng kaginhawaan ng makita ko si Deon.
Mabilis akong lumapit dito at inabutan ako ng baril. Chineck ko naman kung may bala ito. Lalo akong napangisi ng makita kong punong puno ito ng bala.
"Tina! sa likod mo!"
mabilis naman akong napalingon at walang babalang kinalabit ang gatilyo ng baril ang walang awang pinagbabaril ang taong balak akong tagpasin sa ulo.
Hindi pa ngayon ang katapusan ko.