grabe simple lang ng suot nito pero ang bango niya black polo at maong pants lang naman eh.
kanina pa niyd tinitignan ang
writeacch nito "Oo nga pala traffic na sa ganiyong oras." sabi nito sa kanya.
"Halos apat na oras din siguro ang biyahe natin nito, Magkuwento ka naman. Ang tagal nating hindi nagkita," sabi nito nang magsimula nang umusad ang bus.
"Oo nga, eh. Busy lang kasi palagi sa office marami lang trabaho kaya ganoon." sabi niya kay Jonin.
"I see. But you're looking really good ha, Lalo kang gumanda." sabi nito.
Nag-init ang mga pisngi niya sa papuri nito. Pakiramdam niya ay nagbunga ang pagpapaganda para dito. "Huh s-salamat."
"Are you seeing someone, Ellah?"
"H-ha? A- ano iyon?" Nagulat na napatingin siya rito. Lord, bakit ang bilis naman po yatang umepekto ng alindog ko sa lalaking ito? Hindi naman po sa nagrereklamo ako pero napaka-surreal naman po nito saka prangka.
"Kung wala, puwede kitang ihanap. May kilala ako na alam kong magkakagusto sa 'yo. Kasi sa ganda mong yan e, impossible na wala ka mabingwit sa kanila." sabi nito sa kanya.
Pakiramdam niya ay pinagsakluban siya ng langit at lupa sa sinabi nito akala pa naman niya ay may gusto ito sa kanya. "No, thanks," tanggi niya habang pigil na pigil ang sarili na tarayan ito. Pakiramdam niya ay maiiyak na siya sa sobrang inis. Padarag niyang binuklat ang kanyang bag, saka inilabas ang baon niyang sitsaron Paborito lyon ni Jean kaya iyon ang ibinaon niya. She needed a diversion para hindi sita maiyak sa sinabi ng kurimaw na ito at baka kung hindi ay baka kung ano ang masabi
o magawa niyang pagsisisihan niya sa huli. Binuksan niya ang supot at sinimulang kainin ang sitsaron. Wala na siyang pakialam kung ma-turn off man ito sa kanya. "Gusto mo ba?" alok niya nang mapansing nakatitig ito sa kanya. Umiling ito.
Nagpatuloy siya sa pagkain habang nakatanaw sa labas ng bintana ng bus. Nang maubos ang sitsaron ay inilabas naman niya ang baon niyang adobong mani. Aalukin sana niya si Jonin pero nang lingunin niya ito ay naka-headset na ito at nakapikit. Lalo tuloy siyang nainis dito. Mabilis niyang inubos ang adobong mani. Nang ilabas niya ang baon niyang soft drinks at akmang bubuksan iyon ay nagulat siya nang may pumigil sa kanya.
"Wait no wag ka muna uminom ng ganyan masama na yan sa kalusugan mo diba nga maalat at mataba na ang mga kinain mo kanina. Huwag ka nang mag-soft drinks," sabi ni Jonin bago hinalungkat ang backpack nito at ibinigay sa kanya ang isang bote ng mineral water. "Here."
Napamaang siya rito.
"At ikaw muna abg magsuot nitong jacket ko. Baka ginawin ka sa suot mo e mas kailangan mo ya kaysa sa akin." Iniabot nito sa kanya ang jacket.
Hindi alam ni Ellah kung dapat ba siyang ma-offend sa sinabi nito. "Thank you," sabi na lang niya.
Ngumiti ito bago pumikit. Nabura ang inis na nadarama niya. Nang isuot niya ang jacket nito ay napapikit siya at napangiti. It smelled just like him. Hindi niya napigilan ang mangarap habang abot-kamay niya ang lalaking pinapangarap.
"Jean alam mo parang ayoko nang ituloy ang balak ko. Suko na 'ko," sabi ni Ellah habang magkasama silang kumakain. Ang tinutukoy niya ay ang planong paibigin si Jonin.
"Huh bakit naman ate?" tanog ni Jean sa pagitan ng pagnguya. "Ano nga uli 'yon? Pakiulit. Sorry, ha? Gutom na gutom na kasi ako, eh."
"Alam mo, sa lahat ng kilala kong ikakasal, ikaw lang yata ang nakita kong malakas pa ring kumain kahit bukas na ang kasal mo. Hindi ba dapat wala ka nang ganang kumain dala ng sobrang kaba mo ang takaw mo pa rin kurimaw ka."
Ngumiti ito bago uminom ng tubig. "Puwes, ibahin mo ako ate Ellah. 'Nga pala, kumusta ang biyahe n'yo ni Jonin kanina? nag enjoy ka bang kasama siya? anong nangyari ate?" sunod sunid na tanong nito.
"Okay naman ang biyahe kasama siya."
"Anong okay naman? Bakit ganyan ang sagot mo? May nangyari bang hindi maganda sa biyahe niyo ate?".
Matagal bago siya nakasagot. "What if I just give
up on him? What do you think? Iyong ayaw ko na talaga na ituloy ang plano ko eh."
"Ha?! Bakit naman, Ate Ellah? Ano ba talaga ang nangyari sa inyo?"
"iyon nga ang problema, eh. Walang nangyayari! Todo-todo na ang effort ko na magpapansin sa kanya pero wa epek pa rin."
"Ang bilis mo namang sumuko. Hindi ganyan ang Ate Ellah na nakilala ko. Paano mo naman nasabi na walang epekto kay kuya Jonin ang pagpapapansin mo? Kanina ko pa nga nahahalata na nakatingin siya rito sa atin."
"Ha?" Luminga-linga siya. "Weee saan naman?"
Ngumuso ito sa isang direksiyon. Nang tumingin siya roon ay nakita niya si Jonin na kasama ang ilan sa mga tauhan nitong nag-aayos na ng venue. Laking gulat niya nang makitang nakatingin nga ito sa gawi nila. Nang magtama ang paningin nila ay tila nagulat pa ito at agad nagbawi ng tingin.
"See?" ani Jean. Ngingiti-ngiti ito sa kanya. "I have a better idea. Alam mo bang sinadya namin ni Audrei na gawing magkatabi ang hotel rooms n'yo ni kuya Jonin? If you want, maybe tonight you could"
"Hoy Jean!" nanlalaki ang mga matang awat niya sa sinasabi nito. "Maghunusdili ka nga! Hindi pa ako ganyan kadesperada para ako ang mag first move babae pa rin ako kaya hinding hindi ko gagawin ang bagay na yan.."
Nagkibit-balikat ito. "Bahala ka. Ang sa akin ay suggestion lang. Nasa 'yo na kung gagawa ka ng hakbang. Tutal matanda ka na ate, tinutulungan nga kita para magkatuluyan na kayo e ikaw naman ang may ayaw." Pinandilatan niya ito.
"Este, ibig kong sabihin nasa right age ka na."
Napabuntong-hininga siya. Jean was right; her biological clock was ticking. Sa pagkakaalam niya ay mahirap nang manganak ang babaeng nasa edad
na thirty-five. Kung iyon ang pagbabasehan niya ay mayroon na lamang siyang ilang nalalabing taon para magbuntis. Napatitig siya kay Lance at napangiti. He looked like someone who could sire beautiful children. He seemed to have good genes and all. Nanlaki ang mga
mata niya sa itinatakbo ng isip niya.
Diyas ko, Ellah! Ano ba'ng pinag-iiisip mo? Baby na ang nasa isip mo ha.
"Hoy ate Ellah anong nangyayari sayo at bakit namumula ka?" tanong ni Jean sa kanya.
"H-ha ano bang ibig mong sabihin diyan?"
Ngumisi ito at bumulong. "Wag mong sabihing pinag-iisipan mo na 'yong suggestion ko sa 'yo? Meron akong dalang mga lingerie dito para sa honeymoon namin ni Audrei baka gusto mong humiram ng isa ha sabihin mo lang."
Lalong nag-init ang mga pisngi niya sa sinabi nito.
"H-hinding-hindi ko gagawin 'yan ano! ako mag first move sa kalaswaan never." sabi niya kay Jean pero ang totoo ay pinag iisipa na nga iyon.
TAHIMIK lamang sa isang sulok si Ellah habang idinadaos ang reception ng kasal nina Jean at Audrei. Dapat sana ay kasama niya sa mesa ang iba pang mga abay pero naiinis siya sa kaartehan ng mga ito kaya pumuwesto siya sa malayo. Palibhasa kasi ay pulos bata pa ang mga ito. Kanina nga nang simulang i-serve ang mga pagkain sa mga bisita ay hindi nakaligtas sa kanya ang pagpapa-cute ng mga ito sa mga guwapong waiter at siyempre pa, kay Jonin na rin na kasamang nag-aasikas sa buffet table.
The wedding was beautifu and sucess. She was truly happy for Jean and Audrei but at the same time she had come face
to face with the realization that she was indeed missing something in her life. She needed someone to share the rest of her life with. Matagal na niyang isinantabi iyon dahil sa pamilya niya at dahil na rin sa ambisyon niya sa buhay. But now, she could finally say that she was ready to take her chances on love. Ang problema na lamang ay kung kanino niya iyon isusugal ang kanyang pag ibig mukhang ayaw naman siya ng lalaking gusto niya.
"Alam ko kung kanino. Ang problema lang ay mukhang hindi niya ako type," sabi niya sa sarili.
"O, bakit nag-iisa ka rito, Ellah?"
Napaigtad siya sa kinauupuan nang lumapit sa kanya si Jonin at umupo sa tabi niya. "A-ano'ng ginagawa mo rito?"
"Nagpapahinga," sagot nito bago tinanggal ang suot na toque at hairnet at sinimulang ipaypay iyon sa sarili. "Grabe ang init sa kusina."
Napangiti siya. Okay rin pala kahit pawisan ito at magulo ang buhok. It made him seem so real and human.
"Eh, bakit kasi nagbababad ka sa kusina, puwede mo namang ipagkatiwala 'yon sa mga tauhan mo di ba?"
"Mas gusto kong nakikita ang ginagawa nila para masigurong first-class ang serbisyong ibinibigay namin sa mga kliyente at hindi basta basta lang na service." sabi nito.
"Sabagay. In fairness, ang ganda ng presentation n'yo at ang sarap ng mga pagkain. Ang gagaling inyong lahat ha." puri niya.
"Thank you. What can I say? I have the best crew in town. They all did a great job-mula sa mga chef hanggang sa mga waiter at waitress. Mukhang may
bonus ka sa kanila, ah, dandali ay tila nabura ang
kakailanganin proud na sabit lahat ng pagod m.
Humanga si Ellah sa sinabi ni Jonin. Hindi nito
sinosolo ang tagumpay na natamo nito at sa halip ay kinikilala nito ang kakayahan ng mga taong naging parte niyon. Agad siyang nag-iwas ng tingin dito. Paano nga ba niya magagawang sumuko rito kung lahat ng ginagawa nito ay lalong nagpapahanga sa kanya?
"Sandali lang, ha? Babalikan ko lang sila sa loob," paalam nito bago muling tumayo at inayos ang sarili. "I'll see you later Ellah "
"Sure, sige lang tapusin muna ang ginagawa mo." Nagsimula na itong lumakad palayo nang tila may maalala at bumalik. "Bakit?" nagtatakang tanong niya.
"You know, I feel kind of bad that I missed it when you were walking down the aisle." Marahang hinagod siya nito ng tingin. She thought she saw admiration in his eyes. "Because you are definitely someone worth watching. You really look beautiful tonight, Ellah." Iyon lang at umalis na ito habang naiwan siyang nakatulala rito dahil sa katagang binitiwan nito ngaun sa kanya ano bang ibig nitobg sabihin doon.
"I dont get it. I really don't get him! Nalilito na 'ke sa inaakto niya sa akin." Pabagsak na nahiga si Jodie sa sofa sa bahay ni Shelby. Nagkaroon na naman sila get-together na magkakaibigan. "Sabihin n'yo nga, an ba sa palagay n'yo ang real score sa pagitan namin dalawa ni Jonin? Gusto niya ba ako o hindi? nalilito na rin ako sa kanya eh.
ipagpalagay na nating may gusto sa yo si Jonin. He's probably attracted to you, but on a physical level only.
Maybe he wants you in his bed lang gets mo siguro ang sinasabi ko sayo Ellah "
"Katrina tumigil ka nga!" saway ni Aireen dito.
"What? Ellah is asking for our opinion, right? And that's my opinion hindi naman masama magsabi ng ganoon eh." Nakasimangot na sabi nito habang nakatingin sa kanilang dalawa.
"Kontrabida ka talaga kurimaw ka!" sabi ni Ellah dito.
"Matinong opinion, Katrina ang Ipayo hindi ganyan nakaka offend. Ikaw talaga kahit kailan napaka harsh mo sa kaibigan natin. Loka- loka " sita ni Aireen dito.