Nalungkot siya sa sinabi ni Katrina. "O-okay lang 'yon, Aireen, Tama naman si Katrina eh. Opinyon niya yan," napabuntong-hiningang sabi niya.
"Hoy teka teka nga, isang tanong, isang sagot. Ano na ba talaga ang nararamdaman mo para kay Jonin? In love ka na ba sa kanya?" mahinahong tanong sa kanya ni Aireen.
Matagal na pinakiramdaman ni Ellah ang sarili bago marahang tumango.
"Are you willing to take your chances on him?"
tanong uli ni Aireen sa kanya.
Muli ay tumango siya.
"Iyon naman pala, eh. Kung ganyan ang nararamdaman mo, di nakapagdesisyon ka na pala. Kung ano man ang plano mong gawin para diyan sa feelings mo kay Jonin ay suportado ka namin, hindi ba, Katrina?"
Unti-unting lumambot ang anyo ni Katrina. "High school pa lang ay magkakaibigan na tayong tatlo. Mahalaga kayo sa akin. Ayokong may masaktan sa inyo dahil baka magamit ko pa ang pagiging pulis ko 'pag nagkataon." Hinarap siya nito. "Ikaw na ang bahala sa sarili mo, Ellah. Kung ano man ang mangyari ay nandito lang kami ni Aireen na nakaalalay sayo wala naman masama sa hangarin mo kay Jonin mahal mo edi ipaglaban mo yan."
"Tama Sa tagal ng ipinaghintay mo, I believe you deserve to have someone like him. If you don't end up together, then it would definitely be his loss, not yours."
Nakangiting niyakap niya ang dalawa palapit sa kanya. "Salamat at pinalalakas n'yo ang loob ko sa mga sinasabi ninyo. Tama kayo, kung hindi man maging kami ay kawalan niya iyon. He will be missing half of his pathetic life for passing me up. Manghihinayang naman siguro siyag pakawalan ako ano?"
"Naku ayan na, napasoobra na yata ang confidence mo," sabi ni Katrina
"Oo nga. Parang OA ka na masyado eh," pagsegunda ni
Aireen.
"Mga kurimaw naman tong mga ito, pagbigyan n'yo na ako. Minsan lang akong maging ganito, eh," natatawang sabi niya bago muling niyakap ang dalawang kaibigan.
"Tama ang mga sinabi ng mga kaibigan mo, Ate Ellah" sabi ni Jean. Tapos na silang mananghalian at umiinom na sila ng mainit na kape. "Kahit ano'ng sabihin at ibigay naming advice sa 'yo, nasa iyo pa rin kung ano ang magiging desisyon mo sa inyong dalawa ni Kuya Jonin.
"Alam ko naman iyon eh," nagkibit-balikat na sagot niya.
"So, ano na ba ngaun ang plano mo?"
"Hnmm, wala pa rin." sagot niya.
" Hay naku anong wala?" ulit ni Jean. "Hihintayin mo na lang na ma-realize ni Jonin na gusto ka pala niya?"
Tumango siya at ngumiti. "Siyempre, sasamahan ko na rin iyon ng maraming-maraming dasal para matupad iyon ah. Pipilitin ko ring maging mabuting tao para pakinggan ako ni Lord." Tinampal nito ang noo nito. "Ate Ellah naman, agree ako diyan sa sinasabi mo. Pero king hihintayin mong mangyari yon, baka abutin ka nang ilang taon. I have no doubt that Jonin is a smart person, but the way I see it, he doesn't seem to be used to courting women. Nahalata mo ba iyon parang iyon ang weakness niya.ang manligaw ng babae.
"Bakit paano mo aman nasabi yan? "Dahil hindi siya ang nanliligaw sa mga babae diba sila na mismo ang lumalapit sa kanya."
"Pa'no mo nga nalaman?"
Pinagtaasan siya nito ng isang kilay. "Hello, Ate Ellah! Hindi ba't isa ka sa perfect example ng babaeng tinutukoy ko?"
"Why ako?" Itinuro niya ang sarili. "Hoy, hindi kaya ako naghahabol kay Jonin! I am just trying to... make... him... fall for me.Iyon lang ang ginagawa ko." Halos pabulong na lamang niyang nasabi ang mga huling salita. Natahimik siya nang mag-ring ang kanyang cell phone. Hindi nakarehistro ang number na tyon sa cell phone niya. "Sasagutin ko ba? Hindi naman naka-register ang number niya sa CP ko, eh."
"Sagutin mo na at baka importante 'yan," sabi ni Jean bago sumimsim sa kape nito.
"Hello?" Ilang sandali siyang nakipag-usap sa lalaking nasa kabilang linya. "Rogie" daw ang pangalan ng lalaki at nagkakilala raw sila sa kasal ni Jean. Ilang minuto lamang niya itong kinausap dahil hindi siya interesado rito. "Bakit ipinamimigay mo ang number ko sa kung kani-kanino?" sita niya kay Jean pagkatapos niya ibulsa ang kanyang cell phone.
"Ha?" Napamaang ito sa kanya. "Sino ba 'yong tumawag?"
Rogie daw ang pangalan niya at nagkita raw kami noong kasal mo."
"Ah... Oo, si Rogie Sorry, hindi ko nasabi sa 'yo na ibinigay ko nga ang number mo sa kanya. Ang kulit kasi niya, eh. Interesado raw siya sa 'yo. Mabait naman si Rogie at katrabaho siya ni Audrie. Ano ba ang sinabi niya sa 'yo ate?"
"Gusto niyang mag meet up kami at kumain sa labas."
"Wow, Ate Ellah! Baka si Rogie na ang lalaking nakatakda para sa 'yo. Kung basted ka man kay Jonin at least nandiyan naman si Rogie nakasalo sayo di ba hindi ka mapilayan."
Sumimangot siya. "Alam mo naman na ayoko sa ibang lalaki. Si Jonin lang ang gusto ko."
"Civil engineer si Rogie at galing sa matinong pamilya. Mas guwapo lang si Jonin dito ate pero nasisiguro ko sayo na okay rin naman siya. Kaya pagbigyan mo na at makipag-date ka na sa kanya."
"Hay naku ayaw ko, Jean."
"Aba't talaga naman! Ate, huwag ka nang masyadong choosy, 'no." At saka bigla nalang ito natahimik at mayamaya ay pangiti-ngiti na akala mo may kalokohan na iniisip eh.
"Ano'ng nangyari sa 'yo? Bakit pangiti-ngiti ka riyan na parang baliw ha, Kurimaw na ito."
"May naisip ako, Ate," sabi nito bago sinimulang ilahad sa kanya ang plano nito.
"THIS is a great place, Ellah" sabi ni Rogie sa kanya. "Ang tagal ko nang nagagawi rito pero kahit minsan ay hindi pa ako nakapasok sa restaurant na ito."
Napatingin si Ellah kay Rogie at muntik na mapangiwi. Gusto niyang makonsiyensiya sa ginagawa Rogie was a nice man, even nicer than she thought he would be. Iyon ang pangalawang beses na nagkita sila at kung pagbabasehan ang ipinapakita nito sa kanya, masasabi niyang matino itong lalaki. Pero may kulang. Wala siyang maramdaman na kilig, kaba, at atraksiyon dito hindi katulad ng nararamdaman niya tuwing nakikita niya si Jonin.
Pilit siyang ngumiti bagaman abot-abot na ang kaba niya. Nanggaling kay Jean ang "brilliant idea na lumabas siya kasama si Rogie. At isinama nga niya ito sa tullys restaurant. Doon daw niya masusubukan kung talaga ngang may chance siya kay Jonin o wala. Bukod daw sa nabigyan na niya ang sarili ng pagkakataon na maka-date si Rogie ay makikita pa niya ang magiging reaksiyon ni Jonin kapag nakita siya nito na may kasamang ibang lalaki. Until now she still couldn't believe how Jean had convinced her to do it. Pero ngayong naroon na siya sa sitwasyong iyon ay tila nais na niyang umatras.
"Palagi ka bang nagpupunta rito, Ellah?" biglang tanonb ni Rogie sa pananahimik niya.
"M-medyo lang naman."
"Ang sabi kasi ni Audrei ayang may-ari ng restaurant na ito ang nag-cater sa kasal nila ni Jean. So I'm pretty sure that the food they serve here is really good. O-order na ba tayo?"
"S-sige." Alanganing inabot mya ang menu. Nasa kalagitnaan sila ng pagpili ng pagkain nang marinig niya
ang pamilyar na boses ni Jonin
"Hello Ellah andito ka?"
Agad siyang napalingon dito. "H- hi Jonin" bulalas niya at muntik pa siyang mapatayo sa kinauupuan. Sandali muna niyang pinayapa ang sarili bago nagsalita. "Good evening."
"Good evening," bati nito habang nakakunot ang noong nakatitig kay Rogie
Tumikhim muna si Ellah bago nagsalita. "Jonin, siya nga pala si Rogie Reyes Kaibigan siya nina Jean at Audrei Ahm, malamang nagkita na kayo noong kasal kasi isa siya sa tumayong abay."
"Yes, I do remember him," sabi ni Jonin sa kanya sa pormal na anyo. "Nice to meet you, Mr.Reyes." Iniabot nito ang isang kamay kay Rogie na tumayo pa sa kinauupuan.
"Nice to meet you, too. And by the the way, you have a great place here," nakangiting wika ni Rogie dito habang nakikipagkamay.
"Thank you," sabi ni Jonin na matipid pang ngumiti bago binawi ang kamay mula kay Rogie. "Mmm Um-order na ba kayo ng pagkain?"
"Hindi pa nga, eh. Maybe you could suggest something. I've been looking at your menu over and over again and everything sounds delicious."
"Gano'n ba? Sige, sandali lang at ako na mismo ang mag-aasikaso sa inyo ni Ellah para maiserve ang masarap na pagkain."
"Ahhhmmm Wait?" bulalas ni Ellah. "Pero h-hindi mo na kailangang gawin 'yon, Jonin eh pwede naman waiter mo ang mag serve ng pagkain namin e."
"1 insist," wika nito bago mabilis na umalis at
nagpunta sa likurang bahagi ng restaurant Hindi mapakali si Ellah sa kinauupuan. Lahat ay
umaayon sa plano ni Jean maliban na lang sa gusto niyang makuhang reaksiyon kay Jonin. Hindi niya masabi kung nagseselos ba ang binata kay Rogie o Hindi. Bagaman kasi hindi mainit ang pakikitungo nito kay Roggie hindi rin naman ito galit sa lalaki. Nahihirapan
talaga siyang basahin ang ikinikilos nito. Siguro dapat mas maging extra sweet pa ako kay Rogie. Tumango-tango siya. Last na 'to. Kapag no reaction pa rin si Jonin sa gagawin niyag iyon, ay talagang titigilan ko na ang pagpapansin sa kanya. Sabi niya ss sarili niya kaya goodluck sayo self.