bc

Casanova's Wife

book_age18+
7.5K
FOLLOW
20.4K
READ
billionaire
possessive
opposites attract
pregnant
dare to love and hate
drama
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

"Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!" sigaw ko sa kanya.

"Please.. Let's go home.." hindi ko siya pinapakinggan.

Palakas ng palakas ang ulan.

Tinanggal niya ang jacket na suot niya at ipinatong sa ulo ko.

"Masaya kana ba? KING? MASAYA KANA BA???!" umiiyak na ako habang hinahampas ko siya sa kanyang dibdib.

"Please Steffy, this is not good for our baby" pagmamakaawa niya.

"This is your all your fault! Kung hindi mo ko linasing, kung hindi dahil sayo! hindi siya mawawala sa akin! You know he is my world! You knew it!"

"Please..."

"Layuan mo ko! Hindi kita kailangan! Hindi ko kilangan ang katulad mo!" halos mamaos na ako sa lakas ng sigaw ko sa kanya.

Buntis ako.

Buntis ako dahil sa kanya.

Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Pero wala akong pagpipiliian kundi ang maikasal sa kanya.

I don't want to disappoint my parents. But I already did. Gumuho ang mundo ko ng dahil sa KANYA.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
DISCLAIMER : This story is all work of fiction and. names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. AUTHOR' NOTE: PLAGIARISM IS A CRIME!!! *Read at your own risk. *Typographical errors *Grammatical errors *Mature contents. *Kindly vote and leave feedbacks. Thank you and enjoy reading. VOTES AND COMMENTS IS HIGHLY APPRECIATED. PROLOGUE "Ikaw ang dahilan kung bakit ganito ako ngayon! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!" sigaw ko sa kanya. "Please.. Let's go home.." hindi ko siya pinapakinggan. Palakas ng palakas ang ulan. Tinanggal niya ang jacket na suot niya at ipinatong sa ulo ko. "Masaya kana ba? KING? MASAYA KANA BA???!" umiiyak na ako habang hinahampas ko siya sa kanyang dibdib. "Please Steffy, this is not good for our baby" pagmamakaawa niya. "This is your all your fault! Kung hindi mo ko linasing, kung hindi dahil sayo! hindi siya mawawala sa akin! You know he is my world! You knew it!" "Please..." "Layuan mo ko! Hindi kita kailangan! Hindi ko kilangan ang katulad mo!" halos mamaos na ako sa lakas ng sigaw ko sa kanya. Buntis ako. Buntis ako dahil sa kanya. Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Pero wala akong pagpipiliian kundi ang maikasal sa kanya. I don't want to disappoint my parents. But I already did. Gumuho ang mundo ko ng dahil sa KANYA. Chapter 1 Kagagaling ko lang mula sa bahay nina Louisa. Alas syete na pala ng gabi. Nasagi siya sa isip kaagad. Una ko siyang hinanap sa living room pagkapasok ko palamang dahil nasisiguro kong 'di iyon kumain. Wala pa siguro siya kung kaya dumiretso muna ako at pumanhik sa kwarto namin para makapagpalit. Baka sakaling nandoon rin siya at natutulog o nagpapahinga. Napatigil ako sa paghakbang ng maramdaman kong tila may kasama siya base sa malakas na pandinig ko.Nauulinigan ko ang mahihinang boses mula sa aming kwarto. Inilapit ko pa ang tenga ko sa pinto at seryosong nakikinig upang siguraduhin. "Ba--bakit tayo nandito sa kwarto mo?" I heard a woman voice. Napabuntong hininga ako at nasipat ang aking noo. I'm right. I'm definitely right. "I'll take you to heaven-" Bago pa man niya maituloy ang masama niyang balak, mabilis kong ipinihit ang doorknob at padabog na nagmartsa papasok dahilan upang magulat silang pareho. Nakasindi ang ilaw kung kaya kita ko agad ang pwesto nila sa kama. Nakaawang ang mga bibig ng babaeng nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin habang nasa ibabaw ng kama namin. Habang nasa paanan niya ang asawa ko na animo'y anytime susunggaban siya nitong mukhang hindi na nagulat sa inasal ko. Take you to heaven pa nga ah. "S-Steffanye?" maputlang maputlang at mabilis na bumaba sa kama ang babaeng mukhang pamilyar sa akin. Mabilis niyang inayos ang sarili nito at tumayo na parang matatae ang itsura. Kumunot ang mga noo kong nakatingin sa kanya at pilit na minumukhaan ito. "Steffanye wala---wala talaga kaming ginagawa---" mautal-utal niyang wika ngunit ako ay nanatiling nakatitig sa kanya habang bitbit parin ang bag ko. Ahhhh. I knew her!That's why she knows me. "Babymahal ba't napaaga ata uwi mo?" tanong ng mahal kong asawa na tila hindi nagulat sa pagkakahuli ko sa kanila dalawa. Well, this is not the first time.Usually sa guest room sila nag mamake out ng kung sinong mga babaeng dinadala niya. Ginagawa niyang lodging house ang bahay namin. Pero hindi na ako nagtataka. At wala na rin sa akin ang salitang gulat dahil sanay na sanay na ako sa kalibugan ng isang ito. Napabuntong hininga akong muli at sumulyap kay running valedictorian ng aming batch na kasalukuyang nagtataka and at the same time, nanginginig sa hiya, I guess. Mablackmail nga to minsan jk. "Yeah napaaga nga" tipid at bagot na bagot kong sagot at inilapag ang dala kong sling bag ko sa study table na malapit sa kama. Wala naman siyang pakialam kung anong oras ako uuwi o hindi ako uuwi. "aalis na ako pa-pasensya na--" mautal utal na saad nito. Liningon ko lang siya at sinimangutan. Takang taka pa rin ang pagmumukha niya. Siguro ay alam na niya ang ibig sabihin kung bakit ako nandito. Matalino siya kaya gets na niya. "Wait" pigil ko sa kanya kaya napatigil siya sa paghakbang. Kitang kita sa mga kilos at galaw niya ang hindi mapakali at pakiramdam na lalamunin na ng lupa. "Don't worry, walang makakaalam nito kung titigilan mo ang asawa ko" ngumisi ako sa kanya at tuluyan na siyang umalis na tila maluluha na. Wala rin akong panahon para sa mga bagay na hindi naman mahalaga. Natatawa lang ako habang iniisip na ang matalinong katulad niya ay nagkakamali rin pala ng desisyon sa buhay. Muli kong binalingan ang asawa kong nakangisi. "Arayy mahal--" malakas kong binatukan ang nag uunat na hari na never naging affected sa lahat ng kalokohan niya. Umayos siya ng upo at tinignan ako ng malagkit mula ulo hanggang paa. Manyak. "Sa dinami rami ba naman ng babae, iyon pa ba King?" napahilamos ako ng mukha. Ayos lang sa akin na maging babaero siya, pero sana naman may konsiderasyon. Ayos lang din sa akin na magdala siya ng kung sino sinong babae pero ang katulad ni Maxine, sana naman piliin niyang wag ng isama sa mga biktima niya. Di ko na siya pinasagot dahil mukhang siraulo ang mga titig niya. Lumabas na ako ng kwarto at bumababa sa kusina upang maghanda ng makakain. "Babymahal!"maya maya pa'y dinig kong tawag ng mahal kong asawa mula sa sala.Napasinghap ako ng maabutan ang tambak na mga hugasin at hindi man lang naisipang hugasan ang mga ito! HAYOP LITERAL. "Mahal gutom na ako" maya maya'y naramdaman ko ang bigla niyang paglapit sakin habang naghuhugas ako ng mga pinggang pinabayaan niya sa kusina.Ipinulupot niya ang mahahaba niyang mga braso sa bewang ko at ipinatong ang ulo sa balikat ko, inamoy amoy pa ako. "Lumayo ka sakin King, may ginagawa ako, at magluto ka kung gutom ka!" bulyaw ko sa kanya. Hindi ako makakilos ng maayos dahil sa ginagawa niyang pagpapabebe. "Misis" bulong niya na ikinatayo ng mga balahibo ko sa leeg.Kinikilabutan ako! "Babasagin ko talaga 'tong baso sa mukha mong babaero ka" banta ko. Pero syempre biro lang. 'Di naman ako ganon ka sadista. "Nagseselos ka ba baby?" nakakapit pa rin siya sakin na parang linta. Amoy na amoy ko pa ang mabangong hininga niya. "I'm definitely not" tipid kong sagot. Hindi naman talaga. Ba't naman ako magseselos aber? "Ba't parang galit ka ata?" humarap ako sa kanya at itinulak ng bahagya gamit ang siko ko gawa para mapabitiw sa akin. "Look King, sisirain mo rin ba ang buhay ng isang 'yon ng dahil tigang ka?" I asked straightforwardly. I am referring about Maxine, the woman earlier. She's one of the campus scholar who kept their superb grades to maintain that scholarship. And also, pleasing personality is a must. Kung saka-sakaling itinuloy nito ang balak niya kanina, that innocent girl will suffer just like the others who kept on chasing this blockheaded guy. At hindi pa ba siya natuto sa pagkakamali niya? Maybe not. For sure. Nakapout lang siyang nakatingin sa akin. "It's her choice. Sumama siya sa akin ng matiwasay" saad niya na parang may tono ng pagyayabang. At sino naman kasi ang hindi sasama sa iyong siraulo ka?Malupit ang diskarte sa mga babae. "Hindi kana ba nagsasawa King?" nakasimangot pa rin ang mukha ko habang kinukuha ang baso sa mesa upang ilagay sa huhugasin ko. "I'll promise to stop if you make love with me... again--" malagkit niya akong tinitigan muli mula ulo hanggang paa. He even bit his lower lip just to seduce me. Unti unti niya akong linalapitan na parang manyak. "Lumayas kang tigang kang hayop ka kung ayaw mong mapatay kita!" banta ko sa kanya habang nakatutok sa kanya ang sandok na hawak ko .Yaaaakkkkk that effin looks! "HAHAHAHA!" ubod lakas siyang tumawa habang hawak pa ang tiyan niya.Mukhang tuwang tuwa sa kagaguhan niya. Napagtripan na naman niya ako! Damn! Hindi na nakakapanibago, sa katanuyan nga araw-araw na kaming nagbabangayan at madalas ako ang napipikon sa huli. Madalas niya akong pagtripan at tuwang tuwa pa siya kapag nakikita niyang namumula ako o kaya napipikon na. "BWESEEETTT!" //// I am Steffanye Marikit Sabielra-Louth. I am 18. I am already married. Almost 2 years married with King Hedric Louth. Married young couple was considered new norm nowadays due to some reasons,like premarital s*x, arrange marriages and maybe because it was just an accident. In my case, I was forced to married by accident, I guess. I mean, premarital s*x that I considered as an accident. I was deceived and confused. I trusted too much to the point that I was the one to have suffer from its consequences. Iyon ang malaking pagkakamaling nagawa ko sa buhay. Hindi masamang sundin ang kagustuhan kung alam mo ang patutunguhan. You have to think not just twice but more than thrice. Dahil kapag naging mapusok ka, ikaw din ang iiyak sa bandang huli. "Baby mahal saan mo ba inilagay ang brief ko?" at ngayon nga, napakaaga pa para makipagtalo araw-araw sa isang ito. One of the consequences ay ang pakisamahan ang lalaking nais ko ng kitilin ang buhay dahil walang alam sa buhay kung hindi ang mambabae. Pati brief niya ay hindi niya mahagilap. Naninignkit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siyang halungkatin ng halungkatin ang kabinet na pinagpuyatan kong ayusin kagabi upang hanapin lang ang brief niya! Nakakapanggigil ang hayop! "UTANG NA LOOB KING!" I gritted my teeth and rolled my eyes kahit hindi siya nakatingin.Nakakapangigil talaga! Gusto ko siyang batukan at tadyakan ng mahimasmasan sa buhay! "Ah it's okay, I found it already" aniya na tila hindi nakikinig sa mga angil ko. Nakapagbihis na ako at handa na akong pumasok. Pero itong isa, daig pa ang pagong sa sobrang bagal ng mga kilos! Paniguradong huli na naman kami sa klase at paniguradong malilintikan na naman kami ng aming guro. Hindi lang ako nagtitiis bilang asawa niya, dahil nagiging instant yaya na, instant pigil pa ng sama ng loob sa isang ito! Mapapatay ko ata ng wala sa oras! "Ano okay na ba? Dapat itinaob mo na ang lahat! Isama mo na yung kama sa sobrang kalat mong hayop ka!" I told him sarcastically. Gusto ko na siyang sabunutan. Inis na inis talaga ako sa pagiging burara niya. "Chill ka lang babymahal, aayusin ko nalang pag uwi. Mukha ka ng tigre. Look, I'm done already, Let's go" he just smiled and winked at me. ////// School "You're late again!" matigas na supalpal ng aming baklang professor. As expected, late nga kami dahil sobrang bagal kumilos ng isang ito. Magandang bungad talaga tuwing umaga ang sermon at pagpapahiya ng baklang ito. "Sir we're very very sorry, natraffic lang ng konti" pagpapakyut ni King sa kanya. Mas lalo itong sumimangot na nagpapangit pa ng tuluyan sa kanya. Ayy sorry. Physical attack. "Mr. Louth sobrang aga pa para sa sinasabi mong traffic, and if you really are responsible students then you have to be on time!" angil pa nito.Hindi na ata mapapakiusapan pa. Kinakabahan ako lalo. "Sir, chill lang" saka kunwaring bumulong si King sa kanya na nagpapula ng kanyang mukha.Itinulak nito ang asawa kong pangiti ngiti lang at tila may alam na hindi ko alam. Ano daw? Napahalakhak naman ang buong klase dahil sa nangyari kung kaya madali itong sumaway. "E-enough! You sit down both of you! K-kapag nahuli pa rin kayo bukas, I will make sure, you'll have meet Mr. Shaven at the guidance office, maliwanag ba?" nabubulol pa ata si sir. Thank you naman dahil napagbigyan pa kami this time. Ayaw ko ng punishment kapag ang Mr. Shaven na iyon ang magbibigay. I've experienced it once at hindi ko talaga nagustuhan. Like you have to clean the whole quadrangle for the whole week. O kaya isang linggo kang maglilinis ng C.R. .Bukod pa riyan, magiging dishwasher ka sa cafeteria and so on. Kaya kung maaari lang ay iiwasan ko. W-wait. Ano naman kaya yung ibinulong ni King sa kanya?Nakakacurious. Tatanungin ko nalang siya pag uwi o kaya mamaya. Maya maya pa ay biglang pagkakaroon ng long quiz daw na tanda ko ay wala naman siyang nababanggit tungkol doon. Nakakapanghina at nakakapanlumo. At the end of the class, ang nakakapagtaka ay mataas parin ng nakuha ni King sa quiz.Pumapangalawa pa siyang nakakuha ng mataas. Napasulyap ako sa kanya, at kumindat lang ang siya sa akin kasama ng kanyang mga barkada na nasa bandang likod. Minsan naiisip ko kung saan galing ang utak meron ang isang iyon, hindi ko naman siya nakikitang mag review man lang o mag study. Babae kasi madalas inaatupag niya. ....... "Lunch time and cheat day na!" Sigaw ni Louisa habang iwinawagayway ang parehong kamay sa ere. Ang natatanging kaibigan ko dito sa school mula ng lumipat ako dito, 2 years ago. I'm kinda introvert type of person who doesn't even care about anything around me. When you approach me, I'll talk to you but if you don't, I'll do the same. Simple as that. "Teka lang muna, nadrain lahat ng neurons ko sa utak ng dahil sa math" sobrang nakakawala ng energy, literal. Lunch time palang pero gusto ko ng sumibat at umuwi. Sumasakit lalo ang mga braincells ko. Nakaka depressed. "Pero mamsh iyong asawa mo nauna na oh" bigla niya akong sinundot sa tagiliran habang ako nag aayos ako ng gamit ko na nagkalat sa pagsosolve ng x and y's. Nakanguso siya sa pinto kung saan nagsisilabasan na ang lahat ng studyante sa klasrom. "bahala na siya sa buhay niya. Pero utang na loob,hinaan mo naman ang boses mo, baka may makarinig sayo," si Louisa lang ang tanging nakakaalam na mag asawa kami ni King. Maliban sa mga teachers, at barkada ni King. Hindi na naman daw kailangan na malaman pa ng iba ayon kay King para rin daw sa kabutihan naming dalawa iyon. Baka para sa kabutihan niya ganon? Para makapang babae siya ganon. May kabutihan pang nalalaman. Marami kasi siyang babae sa buong campus. Sa college department, hindi ko alam pero sa tingin ko halos lahat ng kilala roon at magaganda ay pinapatos niya.Ilang babae na ba ang umiyak at naghabol sa kanya. Madalang ako gagamitin niyang pananggala, marami rami rin akong haters mula sa mga fans niya. Yak. Hindi alam ng mga studyante kung anong namamagitan sa amin ni King, yung iba, inaakala nilang relatives kami, yung iba naman malapit na magkaibigan kami kung kaya hindi na sila nagtataka kung bakit madalas kaming magsama o kaya nakikitang sabay kumain at pumasok. Walang may lakas ng loob na magtanong kung ano ko ba talaga si King. May sumubok pero ignore lang ang maisasagot ko. "Eh 'diba nga sumasabay sayo 'yon kumain?" tanong ni Louisa, tumayo ako at hindi sinagot ang tanong niya. "Tara na nga, kumain na tayo wag mo narin alalahanin ang hayop na iyon" lumabas kami ng classroom upang kumain sa napakalawak na school cafeteria. My favorite spot. The place and the foods were awesome. I mean, napakaganda at napakalawak kasi. This cafeteria is for everyone. Samakatwid, secondary to senior high, even the college students were open to use this. .... "Oh akala ko ba kakain kana at bahala na ang hayop na 'yon?" ngumunguya na si Louisa habang ako inip na inip na sa kahihintay kung nasaan na ang King na iyan. Nakakainis na, gutom na ako. Kahit sobrang sama ng isang iyon,literal namang hindi, expression ko lang tawagin siyang masama. Sa halos dalawang taon naming nagsama bilang mag-asawa at nakatira sa iisang bubong, half of that year,nakasanayan na naming sabay kumain. May mga instances pa na kapag nauna akong kumain ay hindi na siya kakain pa. Plus may peptic ulcer siya kung kaya kilangang palamunin at sabayan. Parang bata lang. Ewan ko ba. Madalas hinihintay ko siya sa lunch at even dinner. And believe me or not, hirap din kaming matulog kapag hindi namin katabi ang isa't isa. Ang weird 'diba? I tried it once. It's started when uhhh--I can't remember either. Hindi ko na matandaan kung kailan at paano kami naging ganito ni King sa isa't isa. Ang alam ko lang, malaki ang pinagbago ng relasyong meron sa amin ngayon kung ikukumpara sa unang taon naming pagsasama.. Kahit madalas kaming magbulyawan o kaya madalas siyang late na kung umuwi sa gabi dahil babaero siya, gaya ng bansag ng marami HE IS A CASANOVA. Fling dito, fling doon, walang matinong babae sa buhay niya. Pakalat kalat. Malandi kasi talaga. Hindi rin ako apektado mula pa man noon, gagawin ko ang gusto ko at gagawin din niya ang mga gusto niya. Kasal kami sa papel at sa mata ng iilang tao, pero pareho kaming walang nararamdaman para sa isa't isa. At tanggap namin iyong pareho. Walang label kung sa madaling salita pa. Napag-isa kami ng sapilitan dahil gaya ng sabi ko, it was an accident. Actually, I have a lover in the past before mangyari ang lahat ng hindi ko inaasahan.Siya ang naging sandigan ko. Ang kasiyahan ko at pag- asa. But I've already lost him due to my reckless behaviour. I have a family who never valued my presence, my achievements, and never even care for me,I guess.Nakatuon silang lahat sa mga bagay na magpapaunlad sa kanilang pangalan sa industriya,sa business world! They're selfish. I'm now with King but my hearts still on vain. "Pakakawalan kita sabihin mo lang kung handa kana" 'Yan ang kataga na hindi ko malimot limot mula kay King na hanggang ngayon hindi ko pa rin mawari kung saan iyon tutungo. Kailangan kong magsikap at tumayo sa sariling mga paa upang sa pagdating ng araw na iyon, kung saan handa na ako, kaya ko ng itayo ang mga paa kong minsan ng nalumpo. But for the meantime, I'll stay with him. I'll have to build my foundation for me to get stronger. ...... [Clar's POV] "Ano ba naman yan dude? Ginawa mo pang motel ang bodega ng school" tawang tawa kami sa isang ito. Nakasimangot na ikinikwento ang nangyari sa kanila ng Campus Queen 'the eff'. "Kahit kailan talaga ang baklang 'yan ay panira ng diskarte sa kabuhayan ng tao" pagmamaktol niya. Ilang beses bang mahuhuli ang isang ito. Nahuli lang naman kasi siyang nakikipag make out sa bodega. 'Di ko siya masisisi, daming salagubang ang gustong makaisa sa kanya. Hahaha "Dude, 'di kaba nadidiligan ng asawa mo, tuyong tuyo na ba? HAHAHA" sabat ni Troy. "Hindi pwede sa asawa ko" ani nito. Nag-iiba talaga siya kapag ang asawa niya ang napag-uusapan. Hindi maka- score score sa asawa kaya sa iba nagpapadilig HAHAHA. And by the way, kami lang naman ang mga poging tropa ng isang King Hedric Louth ng campus. The King of Casanova. Walang pinapalampas sa lahat ng babaeng willing sumama sa kanya. I am Clar Shaven Xairez, ang pinakapogi sa aming apat LMAO. The other two were Brial Terence Qyeh, the WOMAN HATER and Georgian Troy Seville, the MULTILINGUAL and THE PRESIDENT. "Pinatulan mo talaga iyon? --" hindi makapaniwalang tanong ng woman hater. Ano pa nga ba ang expectation sa isang ito? Lahat naman ata ng babae, walang papasa sa taste niya. "Palay na 'yon---aishhhh patay!" napahilamos naman ng mukha ang hari na ipinagtaka naming tatlo. Mabilis itong tumayo at nagmamadaling isinuot ang sapatos na tinanggal niya kanina. "Bakit?" takang tanong ko. Base sa reaksyon niya, may emergency. "Anong oras na ba? Damn! NAGHIHINTAY NGA PALA ANG ASAWA KO!" dali-dali siyang tumakbo pagkatapos maisuot ang sapatos nito saka linundag ang upuang nakaharang sa pinto. Nagkatinginan nalang kaming tatlo sa naging kilos niya. Napailing ako at natawa. Lagi nalang niyang kinakalimutan ang asawa niya. Pero kahit ganon pa man, kapag asawa na niya pinag-uusapan, ibahin niyo ang hari.Papatay iyan ng tao. Nagmumukha lang siyang walang pakialam pero ang totoo, napakahalaga ng asawa niya para sa kanya. (A/N. Done editing. Please don't forget to vote leave comments. Thank you T.T)

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Just Another Bitch in Love

read
40.8K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

Wandering One

read
23.9K
bc

Unwanted

read
534.6K
bc

The Ex-wife

read
234.6K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
210.8K
bc

A Night With My Professor

read
537.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook