Chapter 24 Steffy's POV Pagkatapos kong mag ayos ng sarili, dahil nauna ng bumangon si Maxine ayon kay King. Hindi ko alam kung buong gabi ko ba siyang kasama. Itatanong ko nalang kay Maxine. Paglabas ko ng pinto, nagulat ako ng nakasandal si King sa pader at tila hinihintay ako. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakaakit naman kasi ang mga tingin niya. Pero--no. Kala ba niya ganun lang kadaling magpatawad? "k-kanina ka pa ba diyan?" syempre naiilang pa din ako sa kanya. Feel ko tuloy, parang nasa courting stage kami ng isang pending relationship "hindi naman. Tara na gutom na ako--" hinigit niya ang kamay ko papuntang dining area. Pagpasok namin, lahat sila nakatingin. Binati at kinumusta ako.. Ganun na ba kabig deal ang pagkakaiwan ko sa islang yun? Hayyss nakakahiya.

