Flashbacks Steffy's POV "Nasa signal number 4 na ang bagyo, pinapayuhan ang lahat na mag-- " pinatay ko ang telebisyon at pumanhik papuntang kwarto. Ang lakas nga ng ulan. Isinara ko ang bintanang malapit sa kama at humiga upang mapanatag ang kalooban. Mag-iisang taon na akong kasama si King sa iisang bubong subalit hindi ko pa rin siya magawang kausapin ng matino.Ang sama ng loob ko sa kanya ay nananatili. Hinding hindi iyon mawawala kahit pa kabaliktaran ng pagtrato ko ang ipinapakita niya sa akin. Nandito ako sa sitwasyong ito ng dahil sa kanya at hinding-hindi ko siya mapapatawad,iyon ang aking paniniwala. Kailangan ko ring lumipat ng paaralan upang maiwasan ang kahihiyan gaya ng sinasabi ng ama ko. Kaya araw-araw ay nakakasama ko si King,kahit pa sa klase at iyon ay mas lalo

