Napatingin na lamang ako sa langit kung saan napaka liwanag ng buwan at ng mga bituin. Nagkaroon na ako ng mga kasintahan noon at lahat ay hindi naging maganda ang kinahinatnan. Narinig ko na rin ang mga ganiyang salita mula sa kanila. Pero bakit tila noong si Hiro ang nag sabi nito ay bakit tiwalang tiwala ako? Tila pinaniniwalaan ko ang lahat ng sinasabi nito. "Everything?" Tanong ko pa. "Oo, Everything. As in lahat, Victoria." "Kahit ano gagawin mo para sa akin? Sure ka talaga diyan?" Tanong ko pang muli. "Sabihin mo lang ang gusto mo at hindi ako mag dadalawang isip na gawin iyon para sa 'yo." Bahagyang umukit ang mga ngiti sa labi ko. Malawak na mawalak na ngiti. "Kapag sinabi kong huwag mo 'kong iwan, Gagawin mo?" "Kahit hindi mo sabihin, Iyon naman talaga ang gagawin ko. Hi

