Hera's POV "Kailangan ba talaga natin mag bihis at mag ayos ng ganito? magdi-dinner lang naman tayo eh. Di naman tayo aattend ng ball." "Iyon kasi ang sabi ni Ate Victoria kanina, Formal dinner daw. Kaya nga pinahiram pa niya ako ng damit. Inarkila ata kasi nila ang buong restaurant nitong beach, Sa pagkakaalam ko." Sagot ni Maureen habang inaayusan ang buhok ko. Mabuti na lang at maaasahan ko si Maureen sa mga ganitong bagay. Sa aming dalawa kasi ay siya ang mas mahilig mag ayos, Ako kasi ay sanay na kung ano nag itsura ko ay iyon na mismo at di ko na inaayusan pa. Nasa kuwarto ako ngayon ni Maureen at ni Ate Victoria. Nakaayos at naka bihis na si Maureen samantalang ako ay patapos na rin naman na. Pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Ate Victoria. Nasaan na kaya siya? anong oras

