Vaun's POV "Wait bro, where are you going? may dinner tayo ngayon, baka nakakalimutan mo." Tanong ni Calix. "Hindi, babalik rin ako kaagad. Diyan lang naman ako." Sambit ko at nag madali nang lumabas. Kaagad akong nag tungo sa kubo na inarkila ko para sa surprise ko kay Hera. Nandoon na ang mga ilaw at ibang decorations, tanging mga bulaklak na lamang ang di pa dumarating. Naupo muna ako at inilabas ang maliit na kahon na nasa bulsa ko. Napangiti na lamang ako ngunit may kasamang kaba ang ngiti na iyon. Totoo na ito, totoong proposal na ang gagawin ko para kay Hera. Binili ko ito sa Manila bago kami mag punta rito. Noong mga araw na napapag tanto kong may nararamdaman na ako para sa kaniya ay naisipan kong mag propose ng totoo sa kaniya. Noong unang proposal kasi ay pagkakamali

