Dahil sa sinabi ni Vaun kanina ay hindi na nila kami pinagsama na dalawa sa kwarto dito sa villa. Nakarating na rin kami sa wakas matapos ang ilang oras at mahaba na biyahe. Napaka layo pala kasi nitong beach resort mula sa bahay na iniregalo nila Tita Veron at Tito Vic sa amin. Si Vaun ay kasama sa kwarto sina Kuya Hash, Kuya Hiro, Kuya Harley at si Calix samantalang si Tito Vic at Tita Veron ay may solong kwarto na dalawa at si Maureen at Ate Victoria pa rin ang mag kasama sa kwarto nila. Nang mailapag ko ang mga gamit ko sa kuwarto namin ni Mama ay nag tungo ako sa kwarto nila Maureen at Ate Victoria. Si Mama kasi ay kasama sina Tita Veron at Tito Vic. At as usual ay nagkakape sila sa restaurant nitong beach. Iyon kasi ang paboritong gawin at bonding nila. Naabutan kong nag aayos

