Kumatok muna ako bago dahan dahan na pinihit ang door knob ng pinto. Nang makapasok ako ay nandoon silang lahat sa sala at nakaupo sa sofa. Ang tatlo kong Kuya, Si Doc Kim, Ate Victoria, Maureen, Calix at Vaun. "Best friend? Nandito ka na! Ano bang nangyari sa 'yo?" "Omg Sis! Thank God you're now here! Are you okay?" "Bunso! Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba nila?" "Sabihin mo bunso, Ano ang ginawa nila sa 'yo?" Sunod sunod na tanong ng mga Kuya ko, ni Ate Victoria at Maureen. Kaagad din nila akong nilapitan at niyakap na tipong di na ako makahinga sa dami nilang yumayakap sa akin. "O-oo, okay lang ako. Teka lang." Wika ko at pilit na kumawala sa mga yakap nila. Mabuti na lang ay bumitaw na sila kaya't iniayos ko ang sarili ko bago muling mag salita. "Huwag na kayong mag alala, wa

