"Huwag mo kong lalapitan, Owen." Banta ko rito. "Hera.." "Sisigaw talaga ako rito. Kaya't huwag mo ng subukan." "Kahit sumigaw ka rito, wala namang makakarinig sa iyo." Tama nga naman siya, liblib ang lugar na ito at walang katao tao. Kaya't kahit anong sigaw ko, paniguradong walang makakarinig sa akin kung hindi iyong caretaker lang nila. At panigurado naman na hindi ako no'n tutulungan laban sa Amo nila. Kaya't tumingin ako sa paligid ko ng puwede kong damputin at ipalo sa kaniya kung sakaling kikilos siya ng masama laban sa akin. Pero wala akong ibang nakitang maaari kong gamitin kung hindi iyong helmet niya na nasa gilid ko lamang. Puwede na ito, mukhang matigas tigas na rin ito kapag ipinalo ko ito sa kaniya. "Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo nga 'yang helmet ko. Ang mahal m

