"How does it taste, Hera?" "Masarap. Hindi masiyadong matamis at hindi rin naman matabang. Saktong sakto lang." "Well I'm glad you like it. Medyo kinabahan kaya ako sa pag prepare niyan dahil may ibang taong titikim." "Ano ka ba, ako lang naman 'to." Biro ko. Nandito kami ulit sa garden nila Owen matapos niyang gawin ang hot chocolate namin. Same spot pa rin. Dito sa dalawang duyan nilang magkatapat. "Alam mo, mas masarap pa rin iyong hot chocolate na gawa ng Mommy ko. Iyon ang hindi ko talaga magaya, kakaibang kakaiba ang lasa no'n eh." "Totoo ngang pag nandito ka, mas lalo mo silang naaalala 'no? Halos lahat ata dito ay nakakapag paalala sa kanila sa iyo." Hindi ko maiwasan na sabihin iyon. Kanina pa kasi niya nababanggit ang mga magulang niya at nalulungkot talaga ako dahil doon

