Saglit na huminto ako sa paglalakad upang sumagap ng hangin. Sa sobrang hingal ko kasi ay para akong kakapusin sa hininga. Mahaba haba na kasi ang nalakad ko pero hindi ko pa rin natatanaw ang lugar kung saan maaaring nandoon si Vaun. Liblib na kasi ito at hindi na ito dinadaan pa ng mga pampublikong sasakyan. Hanggang sa highway lamang ang daan ng mga bus at jeep. Naupo muna ako saglit at tinignan ang cellphone ko. May text na sila Kuya Hash, Owen at Calix sa akin. Kaya't nireplyan ko sila kung nasaan ako at baka kako sakali na nandito si Vaun. Para hindi rin sila mag alala pa. Mabuti na lang at umihip ang malakas na hangin, kahit papaano ay tila nawala ang hingal ko. Kaya naman nag patuloy ako sa pag lalakad para puntahan si Vaun. Medyo pataas na ang daan kaya't kailangan na ng

