Napatigil ako saglit sa pag lalakad ng mag ring ang phone ko mula sa bulsa ko. "Hello, Hera? Ano na ang balita? Kasama no na ba si Vaun?" Tanong ni Kuya Hash nang sagutin ko ang tawag nito. "Hindi pa rin, Kuya." "Eh nasaan ka ngayon niyan?" "Dito malapit sa school namin, Kuya. Baka sakaling makita ko kasi siya rito." "Bumalik ka na lang kaya rito? Kami na lang ang magtutulungan na mahanap siya." Wika pa nito. "Kuya, nag patulong na rin naman po ako kina Owen at Calix. At isa pa, kaya ko na 'to. Huwag n'yo na po akong alalahanin." Rinig ko pa ang buntong hininga nito mula sa kabilang linya. "O sige, mag iingat ka. Tatawag na lang ako ulit mamaya." Wika nito at ibinaba ko na ang tawag upang hanapin muli si Vaun. Ibubulsa ko na sana muli ang phone ko ngunit nabasa ko ang text nina

