Vaun's POV "Bro, sino pala iyong isa sa mga bridesmaid ni Hera?" Tanong ni Owen sa akin. Alam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy nito. Walang iba kung hindi si Ella. Dahil tatlo lang naman ang bridesmaid ni Hera at kilala naman ni Owen ang dalawa doon, Si Ate Victoria at si Maureen. "Ella ang name n'ya. Dati siyang katrabaho at kaklase ni Hera." Tumango tango naman ito at pansin ko ang paglingon nito na tila hinahanap iyon. "Bakit? Type mo?" Singit naman ni Calix sa usapan. "Type agad? Nagtanong lang naman ako." "Eh bakit mo tinatanong?" "Malamang, hindi ko kasi kilala iyon." "Dapat ba kilala mo pa?" "Eh dapat ba nakikisali ka sa usapan?" Napailing na lamang ako at hindi na pinansin ang pagbabangayan ng dalawang to sa tabi ko. Wala yatang araw na hindi sila nag iinisan at na

