"Sige na, tumayo ka na d'yan. Huwag tayo dito mag usap. Pinagtinginan na nila tayo." Wika ko at tinulungan itong tumayo. Pinagpag ko ang skirt nito pati na rin ang tuhod niya. Medyo naawa ako dahil ang bilis na namula no'n. Halatang halata iyon dahil sa sobrang puti niya. "Thank you." Sambit nito sa akin. "Hera, what are you doing?" Awat ni Vaun at lumapit sa akin. "Huwag mo sabihin na naniniwala ka sa mga sinasabi niya ngayon?" "Humihingi lang naman siya ng tawad, Vaun. Wala naman sigurong masama doon." "But Hera—" "Gusto ko lang talagang makipag-ayos sa inyo, Vaun. I promise na hindi ko na kayo guguluhin at hindi na rin ako mag papakita pagtapos nito." Wika ni Ysabel. "At paano naman kami maniniwala sa iyo?" "Babalik na ako ng France, for good. At mamaya na ang flight ko. Puwede

