Hera's POV "Here's your order." Wika ni Maureen dala dala ang mga drinks na inorder namin. Inilapag nito ang tray na hawak niya sa mesa at nakiupo na rin katabi namin. Nandito kami ngayon sa coffee shop kung saan ito nagta-trabaho. Ako, ang tatlong Kuya ko, Si Calix, Owen, Ate Victoria at Vaun. Nagkita kita kami para sana personal na iabot namin sa kanila ang mga invitations at upang masabihan na rin sila para bukas. "Nasaan pala si Ella?" Tanong ko dahil kanina ko pa ito hindi nakikita. "Day off niya ngayon, Best friend. Bukas pa ang pasok no'n." Tugon ni Maureen. "Akala ko ay may pasok siya ngayon, hindi ko tuloy siya nasabihan." "Don't worry, ako na lang ang magsasabi sa kaniya. At baka sabay na rin kami na pumunta after ng shift namin bukas. Mabuti na lang ay parehas kaming ope

