Napatingin ako ng bumukas ang pintuan at pumasok si Dad. "Victoria, you can now go to your room at ako na ang magbabantay sa Mommy mo—" "What is this, Dad?" Pagputol ko sa sinasabi nito. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa kama at lumapit sa kaniya. "Ang alin?" Nagtatakang tanong nito. "Here." Iniabot ko sa kaniya ang envelope na hindi sadyang nakita ko sa drawer. Bahagyang nagulat ito dahil doon. "Bakit mo pinakialaman yan?" "Answer me, Dad." "I said bakit mo pinakialaman yan, Victoria." Madiin na sambit nito sa akin. "Why won't you answer me Dad!" May kalakasan na wika ko. Napatingin tuloy si Dad sa kama kung saan nakahiga si Mommy. Inaalala siguro niya na baka magising ito. "Huwag tayo dito mag usap, magigising ang Mommy mo." Wika nito at hinila ako palabas sa kuwarto nila. Nan

