Nang makaakyat ako sa taas ay nakasalubong ko si Tita Heidi sa labas ng kwatro nila Mom at Dad. "Oh, Victoria, hija. Nandito ka na pala." Wika nito ng makita ako. "Opo, kani kanina pa po. Kamusta po pala si Mommy?" "Okay naman na siya sabi ng doctor. Nandoon siya sa loob at mahimbing nang natutulog." "Ganoon po ba? Mabuti naman po. Grabe po kasi ang pag aalala ko nang malaman ang nangyari sa kaniya." "Huwag ka nang mag alala, napagod lang iyon si Veron sa dami naming pinuntahan ngayong araw. Kung saan saan kasi siyang lugar nag aya at may mga activities rin kaming ginawa." "Oo nga po, sabi nga rin po ni Hiro. Pero, Tita san ka po pala pupunta?" Pag iiba ko ng usapan. "Uuwi na ako, Hija. Panigurado kasing nag aantay na sa bahay sila Hash. At kanina pa rin nag aantay si Hiro sa baba.

