Tori's POV "What happened to Mom?!" Tanong ko kay Hiro na siyang bumungad sa akin pagpasok ko ng mansion. "Hindi ko alam, Victoria. Pero bigla na lang kasi siyang nawalan ng malay noong pag dating ko rito para sunduin si Mama." "D-do you think she's okay?" Nangangamba na tanong ko. "Oo, sa tingin ko ay okay lang naman siguro si Tita Veron. Baka napagod lang iyon sa dami nilang ginawa at pinuntahan ni Mama kanina." "W-where is she?" "Nasa kuwarto na niya kasama si Mama at ang Daddy mo. Nandoon na rin ang Doctor niya at sinusuri siya." Napabitaw ako ng isang malalim na buntong hininga. Napahawak rin ako sa buhok ko at napapikit. Kahit papaano ay nakahinga na ako ng maluwag kahit kaunti. Dahil nandoon na pala ang Doctor ni Mommy. Pero hindi pa rin ako mapakali dahil sa sobrang pag

