Vaun's POV "Hello, Miss Tori. Good evening. Nandito na pala kayo." Bati ng designer sa amin nang makapasok kami sa shop nito. Nag beso beso ito kay Ate Victoria pati na rin sa amin ni Hera. "Good evening rin, Miss Cindy. I'm sorry that we're late. Grabe talaga ang traffic sa atin. Ilang months na ako rito pero hindi pa rin ako masanay sanay." Wika ni Ate Victoria. "It's okay, Miss Tori. Basta't ikaw, alam mo namang malakas ka sa akin. At isa pa, wala naman na akong appointment ngayon, nag cancel kasi iyong isa pang client ko." "Oh I see. Anyway, Miss Cindy. Okay na ba ang gown at suit nila?" "Yes, ready na. At excited na akong isukat nila iyon para malaman rin natin if may mga adjustments na dapat pang gawin." "That's good." Tugon ni Ate Victoria. "So let's go para makapag sukat na

