"Kamusta? Okay ka lang ba d'yan, Hera?" Wika ni Ate Victoria na kakapasok lamang ng kuwarto. "Opo, Ate. Malapit nang matapos ang makeup ko." Sagot ko. Kanina pa kasi ako inaayusan at kaunting retouch na lamang ang ginagawa ng make up artist sa akin. "Good. Kailangan na nating mag madali dahil medyo madilim sa labas, mukhang uulan pa yata." Inaayusan ako ngayon para sa gaganapin na prenuptial shoot namin ni Vaun. Dapat ay noong pag uwi pa lamang namin ng Manila, ngunit na-adjust ang date dahil nagkaroon ng problema ang team na kinuha ni Ate Victoria. Sa isang private garden ang venue namin ngayon. Kung saan pagmamay-ari ng kakilala ng pamilya nila Vaun. "Ito, Hera. Mag bihis ka na." Iniabot sa akin ni Maureen ang damit na susuotin ko nang matapos akong ayusan ng buhok at make-upan.

