"Parang ang tagal naman yata nila? anong oras na ah?" "Kaya nga, mag start na kaya tayo sa meeting na 'yan? inaantok na ako eh." "Ako naman nagugutom na." "Then let's order lunch muna kaya? tapos pag wala pa sila after natin na kumain ay mag simula na tayo ng meeting. What do you guys think?" "That's a good idea, Ate." Tugon ni Vaun sa sinabi ni Ate Victoria. Lahat naman din kami ay sumang ayon sa sinabi nito dahil nagugutom na rin kami. Lagpas na nga ng 12 pm at late na kami maglu-lunch. "Okay, I'll order food na—" "We're here." Napalingon kami nang bumukas ang pinto at pumasok sina Maureen at Calix. May dala ang mga ito na mga naka box na pagkain. Inaantay kong pumasok si Kuya Harley kasunod nila pero wala ito hanggang sa maisara na nila ang pintuan. "Sorry na-late kami, bu

