Hera's POV Kanina pa ako gising ngunit nanatili akong nakahiga sa kama ko. Sabado ngayon at wala naman akong lakad o gagawin man lang, kaya't mukhang mag damag lang ako hihilata buong araw. Wala pa sana akong balak tumayo, ngunit nakarinig ako ng ingay sa baba kaya't napag desisyunan kong silipin kung ano ang mayroon doon. At isa pa, di pa rin ako nag a-almusal kaya't kukuha na rin ako ng pagkain sa kusina. Kumakalam na rin kasi ang sikmura ko at nag iingay na ito. Nang makababa ako ay naabutan kong nag kukumpulan sina Kuya Hash, Kuya Hiro, Kuya Harley kasama sina Ate Victoria at Vaun. Teka, anong ginagawa nila rito? "Oh, you're awake." Wika ni Ate Victoria ng makita ako. "Good morning, Hera!" Kaya't nag tinginan silang lahat sa akin habang pababa ako ng hagdan. "Anong mayroon dito?

