Maureen's POV "Welcome back, kamusta ang bakasyon?" Salubong sa akin ng manager namin na si Ma'am Grace pag karating ko pa lamang ng coffee shop. Hindi ko alam kung sarkastiko ba ang tanong nito o seryoso ba siya. "Okay lang naman po, Ma'am. Masaya naman po." "That's good to hear." Nakangiting wika nito at lumapit sa akin. "Pero matanong ko lang, Maureen. Nag tataka pa rin kasi ako hanggang ngayon, paanong naka close mo si Sir Vaun? at talagang ipinaalam ka pa niya sa akin at isinama sa bakasyon ng pamilya nila?" Napaiwas ako ng tingin at hindi ko alam kung ano ang isasagot. Wala pang alam si Ma'am Grace tungkol doon. At panigurado akong ikakagulat niya kapag nalaman niyang fiance na ni Hera si Vaun. "Alam mo naman, Ma'am. Friendly ako masiyado, kaya't naka close ko na rin si Sir Po

