Nang makarating kami sa Altorre Academy ay kaagad na pinapasok kami ng guard sa loob. Wala nang sali-salita o paalam pa sa mga bantay. Binusinahan lang sila ni Vaun at nakilala na nila ito kaagad. Siguro ay dahil na rin sa pamilyar na ang mga guard sa motor nito. Medyo madilim na sa loob ng campus. Iilan na lamang ang mga building na mayroong bukas na ilaw. Ewan ko ba naman kasi kay Vaun kung ano bang trip niya sa pag punta namin rito. Pero bahala na, basta't siya ang kasama ko ay ayos lang kahit saang lugar pa kami mag tungo. Bumaba na ako sa motor at sumunod na rin na bumaba si Vaun. Tinanggal nito ang helmet na suot niya at ipinatong iyon sa ibabaw ng upuan ng motor nito. Bahagya itong lumapit sa akin kaya't napatingin ako sa kaniya. "Tatanggalin ko lang ang helmet mo, baka kasi ma

