Nang mag bitaw ang labi namin na dalawa ay hindi namin maiwasan ang malawak na ngiti namin habang nakatingin sa isa't isa. "Naisahan mo na naman ako, naka iskor ka na naman sa akin." Biro ko kay Vaun. "Ako nga ang naisahan mo, ikaw kaya ang unang humalik sa akin. Sinamantala mo ang kahinaan ko." "Ang kapal!" Wika ko at pabirong hinampas ito sa braso niya. "Hayaan mo, hindi na 'to mauulit. Huli na 'yan!" "Hera, biro lang! Grabe ka naman, alam mo naman na ang halik mo ang isa sa pinaka paborito ko 'no." Naka pout na sambit pa nito. "Vaun!" Saway ko at sinamaan siya ng tingin. Sa gitna ng pag aasaran at biruan namin na dalawa ay pareho kaming napatingin sa madilim na kalangitan nang may gumuhit na kidlat rito. Kasunod noon ay ang malalaki at sunod sunod na patak ng ulan. "Hera let's go

