Chapter 86

2021 Words

Pinagtinginan ako nila Mama at ng tatlong Kuya ko ng sa pang-apat na pagkakataon ay umubo muli ako. Nasa harap kami ng hapag kainan at nag aalmusal sa mga oras na ito. "Sigurado ka bang kaya mong pumasok, Nak?" Nag aalalang tanong ni Mama at inabutan ako ng tubig. Tumango ako at kaagad na ininom iyon. "Opo, Ma. Wala naman 'to, kaya ko naman pong pumasok. At isa pa, uminom na rin naman po ako ng gamot." "Ano ba kasing trip nyo ni Vaun at alam niyong gabi na ay naligo pa kayo sa ulan? Alam mo naman na ginawin ka at mabilis dapuan ng sakit." Wika ni Kuya Hash. Wala naman kasi talaga sa plano namin ni Vaun ang maligo sa ulan kagabi. Sinubukan namin na mag-patila pero ilang oras na at mas lalo lang lumalakas ang ulan. Kaya't ako ang nag pumilit na sumugod na kami sa ulan para lang makauw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD