"Let's go, Hera." Wika ni Vaun at inakbayan ako. Tinalikuran namin si Ysabel ngunit nag salita pa ito. "Grabe, masiyado naman kayong sweet. Para kayong wala sa paaralan." Wika nito kaya't napahinto kaming dalawa ni Vaun. "Vaun, hayaan mo na siya. Tara na." Awat ko kay Vaun ng makita ang kakaibang reaksyon ng mukha nito dahil sa sinabi ni Ysabel. Ayaw kaming tigilan nito at talagang nag lakad pa siya at humarang sa harapan namin ni Vaun. "Hindi ka ba nahihiya, Vaun? Na halos ipangalandakan mo ang bagong girlfriend mo sa buong school?" May kalakasan na wika nito kaya't mas lalo kaming pinagtinginan ng mga studyanteng nadadaan rito. Tinignan ako ni Ysabel mula ulo hanggang paa. Matapos ay ibinalik nito ang tingin niya kay Vaun na halos nanlilisik na ang mata sa kaniya. "Tumigil ka na,

