"Nasaan ang pagbibigyan mo niyang coffee?" Tanong ni Vaun ng wala kaming maabutan na tao sa locker area. "Ewan ko pero nandito lang siya kanina eh. Sabi niya, dito niya ako aantayin." Tumingin ito sa relo niya at nagkibit balikat. "Ah, oras na kasi ng klase. Kaya't nasa classroom na ang lahat ng studyante ngayon." "Teka, so ibig sabihin ba niyan, late na tayo?" Tumango naman ito bilang sagot. "Pero bakit hindi man lang natin narinig na tumunog ang bell?" Tanong ko pa. "Hindi rinig ang bell sa cafeteria, kundi sa mga buildings lang ng classrooms at hallways." "Edi kung ganoon, tara na. Baka mapagalitan na ako ng prof ko, pati ikaw." "Hindi ka papagalitan no'n, ako ang bahala." "Vaun, ayoko naman magkaroon ng special treatment dahil lang sa boyfriend ko or fiance ko ang anak ng may ar

