"Tara, lunch na. Libre kita." "Salamat na lang, pero may pera naman ako pambili ng pagkain ko." "Ganoon ba? Edi ako na lang ang ilibre mo." "At bakit kita ililibre? Wala naman na akong utang sa 'yo." "Eh sabi mo may pera ka pambili—" "Ng pagkain ko, hindi pagkain mo." Pagputol ko sa sinasabi nito at inirapan siya. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko tsaka ako naglakad palabas ng classroom. Kukulitin lang kasi ako ng kukulitin ng Owen na iyon. Dapat talaga ay hindi na siya pinabalik pa rito at hinayaan na lang siyang mag ikot ng mag ikot sa labas eh. Mas tahimik kasi ako kapag wala ang lalaking 'to. "Uy teka lang!" Habol pa nito. Nang buksan ko ang pinto ay punong puno ng tao sa labas ng classroom kaya't nahirapan ako na makalabas. Talagang kumpol kumpol sila at nagsisiksikan.

