Chapter 90

2002 Words

"Akin na, Hera." "Huwag na, ako na. Iyan na lang naman iyong bahay namin kaya ko na 'to." Wika ko kay Vaun nang makababa ako ng kotse nito dahil kinukuha niya ang bag ko para siya ang magbitbit no'n. Nandito na kami sa bahay dahil uwian na. Dito kasi magdi-dinner si Vaun dahil inaya siya ni Mama. "Ano kayang niluto ni Tita? Sakto at gutom na rin ako." "Ewan ko, baka iyong sinigang ulit kanina? Iinitin niya lang?" Biro ko. Pero pakiramdam ko ay espesyal ang hapunan namin ngayon dahil dito kakain si Vaun. Minsan nga ay naiisip ko parang mas mahal ni Mama si Vaun kaysa sa akin at sa mga Kuya ko. Nang makapasok kami sa loob ay naabutan ko si Kuya Harley na kumukuha ng tubig sa ref. "Si Mama?" Bungad ko rito. Lagi namang si Mama ang hinahanap ko pagkaapak na pagkaapak ko pa lamang sa l

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD