"Kapag ikinasal tayo, mas gusto ko na sa maliit na bahay lang tayo titira, at iyong isang floor lang. Para kahit saan ako lumingon, kita agad kita, pati ang mga magiging anak natin." "Ang advance mo namang mag isip, Vaun. Kapag ikinasal tayo, hindi pa tayo mag-aanak 'no. Magtatapos muna tayo ng college." "Nangagarap pa lang naman ako, kwentuhan lang ba. Kaso panira ka talaga lagi, Mahal ko." Natawa tuloy ako sa sinabi nito. Nakaakbay sa akin si Vaun habang nakasandal naman ako sa balikat niya. Nandito kaming dalawa sa sala at nanonood ng tv habang nagku-kwentuhan. Pauuwiin ko na sana siya kanina pagtapos ko mag hugas ng pinggan dahil gabi na rin. Kaso ay tumawag si Kuya Hiro at sinabing dito daw didiretso si Ate Victoria sa bahay pagtapos ng party at kay Vaun na lang ito sasabay na

