Vaun's POV "Thank you so much for protecting me, Babe. Sabi ko na nga ba, galit ka lang noong mga nakaraang araw. I know na hindi mo pa rin talaga ako matitiis." Wika ni Ysabel at yumakap sa akin. "Nasaktan ka ba?" Tanong ko. Naramdaman ko naman ang pag tango nito. "Yes, masakit ang ulo ko sa pagsabunot ng Ate mo and my chest too. Masiyado kasing madiin ang pag tulak niya sa akin sa railings." "Ganoon ba?" "Yes, Babe. It hurts so much." "Then let's go, dadalhin kita sa clinic." Marahan kong inalis ang kamay nito na nakayakap sa akin at inalalayan siya palabas ngunit nag pumiglas ito. "Why? May problema ba?" Tanong ko. "A-ah, M-mauna ka na sa clinic. Susunod na lang ako." "Bakit?" "H-hindi ko pa kasi kayang bumaba. Masakit kasi ang katawan ko kaya't mauna ka na lang." "Kaya nga't

