Hera's POV May kumatok sa pintuan ng classroom kaya't napatigil sa pagdi-discuss ang prof namin. "Hi Doc Kim. Good morning." Bati nito sa babaeng pumasok sa classroom. Magandang babae ito na sa tingin ko ay mas matanda sa akin ng ilang taon. "Good morning din, Sir. Puwede ko bang i-excuse saglit si Miss Hera Montejo?" Nakangiting wika nito. Nagulat naman ako ng marinig ang pangalan ko. Napatingin tuloy sa akin ang mga kaklase ko pati na rin ang prof namin. "Oh, Miss Montejo. Tawag ka ni Doctora Kim." Wika nito kaya't kaagad na tumayo ako. "Okay lang ba, Sir? Saglit lang naman. Pababalikin ko rin naman siya kaagad." "No it's okay. Patapos na rin naman ang klase ko sa kanila." "Thank you, Sir." Wika nito at nginitian naman ako nito ng makalapit ako sa kaniya. "I'm Doc Kim, physici

