Chapter 94

2229 Words

Hash's POV "Sa wakas, Kuya! Sumagot ka rin!" Wika ni Hera mula sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag nito. Hindi ko napansin na naka sampung missed calls na pala ito. Nasa bulsa ko kasi ang cellphone ko. "Bakit napatawag ka?" "Pasensya na, Kuya. Pero puwede ba akong humingi ng pabor? Kay Kuya Harley talaga dapat ako makikisuyo eh, kaso ay hindi niya sinasagot ang tawag ko. Si Kuya Hiro rin." "Wala si Harley, may inasikaso. Si Hiro naman ay kasama ni Victoria. Ano bang ipapasuyo mo?" Tanong ko. "Puwede bang pakidala iyong uniform na nakasampay sa labas? Hindi kasi ako makakauwi para kunin 'yan. Magsisimula na kasi ang first subject ko, Kuya." Wika nito kaya't dumungaw ako sa bintana para tignan iyong uniform na sinasabi niya. "Iyong uniform na panglalaki?" "Oo, Kuya. Iyon nga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD