Nagising ako ng marinig ang tunog ng bell. Kasabay no'n ay ang mga ingay ng kaklase ko at mga hakbang nito papasok sa loob ng classroom. Kaagad na iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakayuko ko sa desk. Nakatulog na pala ako, hindi ko man lang namalayan. Napalingon naman ako sa gilid ko kung saan mahimbing na natutulog pa rin si Vaun. Oo nga pala, sinamahan nga pala niya ako rito sa classroom mula pagpasok namin kanina ng alas singko ng umaga. "Vaun, gising na." Bahagya ko itong tinapik pero tila parang wala itong nararamdaman at naririnig. Nakapatong ang ulo nito sa desk at nakatigilid kung saan kitang kita ko ang mukha niya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi titigan ang guwapo niyang mukha. Napaka-unfair ng buhay ano? Paano niya nagagawang maging guwapo pa rin kahit tulog? "Baka pu

