Pinunasan ko ang mga luha kong patuloy sa pagtulo at pag patak. At kaagad naman na ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at nahiga. Ibinalot ko ang sarili ko sa kumot at ipinikit ang dalawang mga mata ko upang mag panggap na kunwari ay tulog. Narinig ko kasi ang tunog ng pag bukas ng pintuan ng kuwarto at panigurado ako na si Vaun iyon. Wala naman ng iba pang papasok rito sa oras na ito kung hindi si Vaun lang. At kung ibang tao man iyon, paniguradong kakatok iyon bago pumasok. Ayoko kasi na makita ako ni Vaun na umiiyak ng dahil sa kaniya, nang dahil sa nasaktan ako sa narinig ko. Ayoko rin siyang kausapin o kahit makita man lang. Dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kung ano ano ang masabi ko sa kaniya. Baka makapag bitaw lang ako ng masasakit na salita dala ng emosyon n

