Napangisi naman ako. "Pero sa bagay, Hindi pala mag mahal ng iba, Siya nga pala talaga ang mahal mo noong una pa lang, 'Di ba? Ako nga pala iyong 'iba' dito. Kumbaga, ako lang iyong nakisali." "Hera, hindi ganoon ang tingin ko sa iyo." "Ganoon ang nararamdaman ko, Vaun." "Hera..." "Kaya naisip ko, Paano naman ako, Vaun? Sa akin lang ba totoo ang lahat ng 'to?" "Hera, No. Totoo rin sa akin ang kung ano ang mayroon tayo ngayon." "Kahit ano ang sabihin mo, pasensya na pero hindi ko talaga magawang paniwalaan." "It's because ayaw mo kong intindihin, Hera. Hinahayaan mong mauna ang galit mo kaysa unawain at paniwalaan ang mga sinasabi ko." "Nakapag desisyon na rin naman ako, Vaun. Gawin na lang natin ang katulad nang napag usapan natin noong una, at least hindi mo na kailangan na piliti

