Matapos namin na kumain at mag meryenda ay naunang umakyat na muna sila Mama, Tita Veron at Tito Vic sa mga kani kaniyang kuwarto nila. Mag papahinga na lang daw muna sila at mamaya na lang bababa kapag dinner na. Sina Kuya Hash, Kuya Hiro, Kuya Harley, Ate Victoria, Maureen at Calix naman ay mga naliligo na sa dagat. Samantalang kami ni Vaun ay nakaupo sa sea side at pinanonood lang sila. Sino ba naman kasi ang maliligo sa dagat ng ganito ang suot? Magmumukha kami lalong ewan. "Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko ng bigla akong yakapin ni Vaun nang may grupo ng mga lalaki ang dumaan sa harap namin at napatingin kung saan banda kami nakaupo. "Para alam nilang may boyfriend ka na, Titingin tingin pa sa iyo eh." "Hindi lang ako ang tinitignan nila kung hindi pareho tayo, Tayong dalawa. M

