Mabuti na lang at napaaga ang dating ng flight namin sa Manila. Hindi rin gaano kabigat ang traffic pauwi kaya't nakarating na kami sa Mansion kasama ang pamilya ni Hera. Nagpa-handa kasi si Mom ng pagkain sa mga kasambahay. Upang bago magsi-uwi sila Hera ay makakain na muna sila. Although kumain naman na kami sa flight kanina. "Hindi ka na dapat nag abala pa, Veron. Puwede naman nang sa bahay na lang kami kumain." Sambit ni Tita Heidi. "Wala iyon, Heidi. Siyempre ay pagod ka na rin naman sa biyahe at paniguradong hindi ka na makakapag luto pa ng pagkain pag uwi ninyo." "Kahit na, Masiyado ka ng maraming ginagawa para sa amin, Veron. Nakakahiya na rin." "I said it's fine, Heidi. We're family na rin naman after all. Hindi na kayo iba sa amin." "Salamat ng marami, Veron. Napakaraming

