Vaun's POV Bumalik kami sa bahay na binigay at regalo sa amin ni Hera nila Mommy at Daddy. Upang kunin ang mga natitira naming mga gamit na hindi namin nadala sa beach resort kahapon. "Make sure na wala na kayong nakalimutan ah. I-double check ninyo ang mga gamit niyo." Bilin ni Dad na siyang nag aayos rin ng maleta nila ni Mom. Nasa sala na kaming lahat at inaantay na lamang ang driver na susundo sa amin at mag hahatid sa airport pauwi ng Manila. "You know what? This is the best vacation that I ever had. As in the best." Sambit ko kay Hera na nasa tabi ko. Maraming bakasyon at maraming iba't ibang lugar na rin ang napuntahan ko pero iba ang bakasyon na ito. It's because of her. It's because of Hera. Inakbayan ko ito at isinandal naman nito ang ulo niya sa balikat ko. "Ako rin,

