Maureen's POV Kamusta na kaya si Hera? Sana ay nag eenjoy siya sa gabing ito kasama ni Vaun. Wala akong ibang hiniling kung hindi ang maging masaya palagi ang best friend ko na si Hera. Na maging mabuti ang kalagayan niya at makamit ang lahat ng pangarap niya sa buhay. Pati ang magkaroon ng taong mag mamahal ng tapat at totoo sa kaniya dahil iyon ang deserved niya. Saksi ako sa nakaraan at lahat ng pinagdaanan niya. Kaya't ako ang pinaka masaya sa kung ano ang kalagayan at kung ano ang mayroon siya ngayon. Masayang masaya rin ako na namulat na ito at natutong umibig. Dahil pag ibig ang pinaka masarap na maramdaman sa lahat. Kaya't sana, katulad ng best friend ko ay mahanap ko na rin ang taong para sa akin. Iyong hindi ako sasaktan at lolokohin. Iyong mamahalin ako ng totoo at buon

