Wearing her favorite pajama, ay lumabas siya ng kwarto nila ni Romina. Puno ang lahat ng kwarto sa mansyon, dahil sa mga kamag anak at sa ilang mga bisita ng Abuelo niya na sa mansyon.
Maingay sa loob ng bahay ganoon rin sa labas, masaya ang tawanan ng mga pinsan niya na ngayon lang uli nagkita-kita, at kahit alas kwatro pa lang ng umaga ay buhay na buhay na ang paligid.
Samantalang siya ay hindi pa rin makatulog dahil sa malilikot ang mga katabi niya sa kama, paggitnaan ba naman siya ni Krizzy na kiti-kiti kung matulog at ang pinsan niyang si Romina na parang trumpo kung matulog.
Kung hindi lang talaga siya nahihiya ay baka tumabi na siya Grandparents niya sa kama. ‘Its okay, uuwi na rin namin kami mamaya at makakatulog na ako ng maayos. Napangiti siya sa isipin na iyon, makakatulog na rin siya.’
Nagtimpla na lang siya ng kape para magising ang dugo niya, its her last day sa Hacienda at gusto niyang mag ikot sa lupain at umakyat ng puno, at silipin ang kaniyang Tree house. Susulitin niya ang bakasyon niya, dahil matagal tagal na uli siyang hindi makakauwi.
“Saan ka pupunta?” Tanong sa kaniya ni Seb ng makita siya, tinignan nito ang suot niya. She wears her black henly top na pinatungan niya ng brown suede jacket, at ang favorite niyang loose trouser jeans, ang suot naman niyang pang paa, ay ang Martin boots niya, na nakatago pa rin sa shoe rack niya.
“Somewhere.” Tipid niyang saad, lalampasan na sana niya ito ng hilahin siya nito. Bakit ba ang hilig manghila ng lalaking ito? Dahil sa gulat niya sa ginawa nitong paghila ay sinampal niya ito, na agad rin naman niyang pinagsisihan ng makita kung paano namula ang kaliwang pisngi nito. Masyado yatang malakas ang sampal ko.
“Sorry about that, I-, huwag mo kasi ako gugulatin ng ganon... I dont like when someone grabbing me like that, ang bastos kaya non, if you need something just spilled it. Kailangan pa bang hilahin mo ako?” Sunod sunod niyang sabi rito.
“Paano naman kasi ako magsasalita, hindi pa nga ako tapos magtanong, umaalis ka na agad. So tell me, sino ang mas bastos satin ngayon?” Tila nagpipigil ito ng galit sa kaniya, panay ang buga kasi ito ng hangin.
“Sorry na, ano ba kasi ang kailangan mo?” Mahinahong tanong niya rito, hindi naman siya sinagot nito at tinitigan lang siya, at umiling-iling na para bang ang laki-laki ng kasalanan niya rito.
“Sorry na nga, ano aarte ka pa?” Hindi niya mapigilang mainis na dito ng tuluyan, at ang kumag tinalikuran siya at iniwanan siyang nakatayo roon.
What the hell did I do?
Kailan pa ako nanampal ng ganon? Ganon na ba ako kasama?
Why Im being like this again?
Dahil sa nangyari ay nawalan na siya ng gana na mag-ikot at pinili na lang niyang matulog sa kwarto hanggang sa oras na para umuwi. Niyaya siya ng mga pinsan niya na mag-ikot sa bayan at manood ng parada, kaya pala lumapit sa kaniya kanina si Seb, para tanungin siya kung sasama siya sa panood ng Miss Mutya.
Kasalanan nila, sa dami dami nila, bakit ang Seb pa na iyon ang pinili nilang papuntahin sa kaniya? Alam naman nila na hindi niya gusto ang lalaking iyon. Tapos ako pa ang sisihin, kung bakit hindi sumama ang lalaking iyon sa pagpunta ng Plaza? Wow ha!! Sila na ang perfect!
For the past months ay iyon na yata ng pinaka mahabang oras ng pagtulog ang naranasan niya, 6 hours straight. Agad na inabot ang cellphone niya na hindi pala niya na charge kagabi, kaya pumasok siya ng kwarto at sinaksak ang charger at saka lumabas para ubusin ang tea niya.
Nag mental note siya, na huwag kalimutang mag grocery mamaya, dahil wala na siyang stock ng jasmine tea, at ng mga sanitary pads niya, malapit na ang red days niya, kaya siguro mainit ang ulo niya kaya Seb, dahil doon. Kaya hindi niya maiwasang maguilty sa inasal niya. Hindi niya nga nakita ito kahapon pag-uwi nila.
Nasa opisina na siya ng maalala niya ang cellphone niya na nakalimutan niya palang dalhin, nakasaksak pa naman iyon. Paktay ka diha! Iyan ang lagi niyang naririnig na expression ng mga pinsan niya, na naadopt na niya.
“May time pa naman, tara girl samahan kita.” Si Krizzy, umiling siya, “Hindi na, okay na , thank you na lang.” tinawagan na naman niya iyong receptionist, si Mylene.
Nasa pantry sila ni Krizzy, hinihintay nila ang inorder niyang lunch para sa kanilang tatlo with Amanda. Amanda is Roberta’s apple of the eye, hindi naman lingid sa kaniya na hindi lalaki ang prefer ng pinsan niyang iyon. Kahit hindi sabihin ni Roberta, she know, ganoon kataas ang observations skills niya.
Nasa gitna sila ng pagkain ng mag ring ang cellphone ni Amanda, nakakunot na pinatay nito ang tawag at tinuloy ang pagkain ng sinigang na hipon, natatakam siya sa kinakain nito, kaya lang she cant eat seafood because of her allergy.
Napatingin na naman siya kay Amanda ng magring na naman ang cellphone nito, kaya sinagot na niya ang tawag. At halos mamutla ito, na nakatingin sa kanila ni Krizzy, parang alam na niya ang ibig sabihin ng pamumutla nito.
Tumayo agad ito pagkapatay ng tawag, wala sa sariling napatayo rin siya. “Anong meron?” Tanong niya rito, “The Don is coming.” Nagmadali itong nagligpit ng pinagkainan nito at saka patakbong lumabas ng Pantry.
“Ay s**t, hindi pa ako tapos kumain eh.” Sabi ni Krizzy at binibilisan na rin ang pagsubo, punong puno na ang bibig nito. “Dahan dahan, hindi naman tayo kailangan doon, sila lang.” sabi niya ng muntik ng masamid ang babae.
“Ay oo nga pala, nakakadala kasi si Mandy. Ahahha. Ikaw, hindi ka ba kailangan doon?” Tnong nito sa kaniya. Kailangan ba ako doon?
Bumaba rin siya sa lobby, naabutan niya ang mga maintenance na inaayos ang ilaw sa lobby, ang mga receptionist nila na nagaayos ng mga buhok nila, ang cleaners na panay kuskos ng floor at ang mga guard na inaayos ang tuck in ng mga uniform nila.
Pansin nga niya na walang naka tambay sa lobby, nakarating na sa ibang department ang pagrating ng Don, kaya walang nakakalat sa Lobby.
Hindi naman dapat siya kabahan, pero kinakabahan na rin siya ngayon, tama nga si Krizzy pati siya ay nadadala na rin ng kaba. Kahit nga siya na related rito, ay hindi maiwasang manginig kapag nababangit ito sa kaniya. Masyadong strict ang Abuelo niya, lalo na pagdating sa kanila.
Sariwa pa sa alaala niya ang takot kapag nagagalit ito, naranasan na niyang masigawan at makatikim ng galit nito, kahit siya ay walang kawala. Kaya iba ang saya sa kaniya nang hayaan siya ng Abuelo niya na mag-aral siya ng kolehiyo sa Maynila, pero pinagsisihan niya rin iyon.
Maya maya pa ay, nasa tabi na niya si Roberta, na naka black pencil skirt ito, partnering her brown leopard sheer oversized shirt, and she also wearing the Jimmy Choo black suede heels. May kulay rin ang labi nito, na sa tingin niya ay gift niya iyon last last year, she really look sophisticated with that look and at the same time ay cute dahil sa singkit nitong mga mata.
“Wait, what are you doing here nga pala? Hindi ka ba pupunta sa office?” Tanong nito sa kaniya, kaya napatingin siya rito, she really looks small kahit naka 3 inches heels pa ito. Nag step back siya para hindi mangalay ang pinsan niya. “Ah yes, nakalimutan ko, sige tataas na ako.” Sabi niya at saka sumakay ng elavator.
Sa cr siya dumiretso, at tinignan ang repleksyon sa salamin. Maganda nga siya, hindi naman siya charming, ang dull pa ng mukha niya. Inalis niya ang salamin niya at naghilamos ng mukha. Pagtingin niya sa salamin ay ang mukha niyang bare faced ang makikita. Kitang kita ang itim na bilog sa mata niya at ang mga peklat ng pimples niya.
Whose pretty? Magaling lang talaga ako gumamit ng concealer.
She stretched her lips to formed a smile.
They said that her smile is awkward and weird, thats why she have this poker face, dahil mas bagay sa kaniya iyon.
Bumalik siya sa office na parang walang nangyari, she keep her poker face. Nilingon niya si Krizzy ng makitang ng message ito sa kaniya sa yahoo messenger.
Wala sana siyang balak mag reply rito pero sunod sunod ang chat nito sa kaniya.
Marimar: I dont think na kailangan pa ako roon.
Ms K: OK. Sabi mo eh. [zipper-mouth emoji]
Ms K: Ang moody mo [face with rolling eyes emoji]
Ms K: smile ka naman dyan [pleading face emoji]
Marimar: Ang kulit! Isa pa at talagang block ka sakin!!!
Ms K: RED FLAG? AWIT [face screaming in fear emoji] [partying face emoji]
She really block her, nakakainis talaga, hindi man lang makaramdam na bad mood siya, napaka unsensitive. Napahilot tuloy siya sa sentido niya, she think in any moment she is going to burst in anger. At dahil wala na rin naman siyang gagawin, ay mas mabuti pang umuwi na lang siya, at para makapag grocery siya.
Agad na shinutdown niya ang computer niya, at tinago ang mga confidential file sa drawer niya at saka sinusi iyon. Dala ang bag niya ay agad na siyang naglakad papunta sa cubicle ng Team Manager nila na si Ruel. Taas kilay siyang pinagmasdan nito.
“Im going to leave early po Madam.” Sabi niya rito, at inabot niya rito ang list ng mga order, tumango tango naman ito ng makita, ang limang pages na order. “Okay you can go.” Naka ngiting sabi nito at saka tinabi ang papel na binigay niya rito.
Agad siyang pumara ng taxi, para makapamili na siya ng stock na food and necessities niya. Dahil sa wala siyang listahan ng mga bibilhin ay nahirapan tuloy siya sa pamimili.
Paglabas niya ng Mall ay madilim na, ganon siya katagal sa grocery store, sa dami pa ng mga binili niya, ay hindi na niya maitulak ang cart, buti na lang tinulungan siya noong security ng Mall at nagtawag ng taxi para sa kaniya.
“Maam!” Tawag sa kaniya noong bagong receptionist si Fatima, lumapit pa ito sa kaniya. “May naghahanap kanina sa inyo, Lolo niyo raw po, may kasa-“ hindi na niya tinapos si Fatima at agad siyang tumakbo papasok ng elavator, sa pagmamadali niya ay nasira pa ang takong ng sapatos niya, kaya barefoot siyang naglakad.
Huminga muna siya ng malalim saka kumatok, na weirduhan siya sa ginawa niyang iyon, pero nasa loob ng pad niya ang Abuelo. Dahan dahan niyang binuksan ang pintuan pagka unlock niya ng pinto.
Nakabukas ang mga ilaw, pumasok na siya ng tuluyan while nagppraktis ng pagngiti kapag nakita niya ang Abuelo. Napakunot ang noo niya na makita ang isang bulto ng katawan na nakahiga sa L-Shape sofa niya.
Hindi naman ito ang Abuelo niya, dahil alam na alam niya ang tabas ng likuran nito, kahit nga brown out ay makikilala niya pa rin ito sa dilim. Kinabahan siya, kaya kinuha niya ang vase na nakapatong sa coffee table niya. ‘Vase na naman, bakit laging vase ang hawak niya?’
“Vase again?” Napalingon siya sa nagsalita. “Is that your hobby, throwing a vase to innocent people?” basa ang buhok nitong tumutulo pa sa sahig, galing ito sa bakanteng kwarto.
“What are you doing here? Saka who is this?” Nguso niya sa lalaking mahimbing pa rin na natutulog sa sofa niya, hindi niya talaga bibitawan ang vase na ito. Never!
“Thats my friend, so ibaba mo na iyan, he is harmless, dont worry.” Mabilis itong lumapit sa kaniya, at kinuha ang hawak niyang vase. “I should put away all the vases here, baka makapatay ka na talaga sa susunod.” He said in sarcastic tone.
She just smirked, and before she forgot, ay tinanong niya uli ang kumag, kung ano ang ginagawa nito sa bahay niya, dont tell me, her Abuelo let this guy again to stay here. No way!
“Yes you are right, your Lolo Guillermo he said that, I can stay here, since itong place mo ang pinaka malapit sa Company na papasukan ko.. and if ayaw mong maniwala sakin, you can ask Isabela.” Sabi nito na para bang nabasa nito ang isip niya, may pagtaas baba pa ito ng kilay.
No it can't be, is he serious? Talaga bang hinayaan ito ni Abuelo?
Naghintay pa siya ng ilang ring, bago sumagot ang nasa kabilang linya. “Hello, Bela, totoo ba? Thay guy is here.”
‘Abuelo is the one who insist na diyan mag stay si Jas sa pad mo, since you're living alone there, and besides, hindi pa tapos ang expasion ng Dorm. If you dont want him, bakit hindi ikaw ang magsabi kay Abuelo?’
Hindi na niya mabilang kung ilang buntong hininga na ang napakawalan niya mula kagabi, nasa harap siya ng computer niya para icheck ang mga inventory nila through the system.
She is not accustomed to this kind of situation, sanay siya na siya lang ang mag-isa sa bahay na iyon, hindi siya malayang makakakilos kung may iba siyang kasama sa bahay. Kaya nga siya nagdecide to have that pad, para hindi na niya kailangan namakipag share ng room sa mga workmate niya.
Bitbit ang hiking bag na regalo sa kaniya ng Papa Lorenzo niya ay nagsimula na siyang naglakad ng may mabibigat na hakbang, hindi kagaya ng ginagawa niya tuwing umaga na mabagal ang paglalakad at dinadama ang malamig na hangin na dumadaan sa mukha niya.
Hindi siya sa dumiretso sa Company, she is walking across the street kung saan ang hindi kalakihang building ang makikita, kung saan tumutuloy ang mga empleyado sa Company nila. Naabutan niya si Sir Dars na naka track suit, bahagya itong nagulat ng makita at ng kumaway siya rito ay kumaway rin ito at gumanti ng ngiti.
Papungas pungas na bumangon si Krizzy ng gisingin ito ni Jennifer ang inhouse photographer nila. “Want some coffee?” tanong niya rito, at nilapag ang binili niyang Caramel Macchiato sa maliit na dining table na naroon. Bumili siya nang coffee para sa mga kasama ni Krizzy sa dorm.
“Ang aga mo namang nambulabog dito, ano ba ang atin?” Tanong nito habang sinisilip ang dala dala niyang pandesal. “Malunggay ba ito? Gusto ko noong malunggay, saka may cheez whiz ka ba dyan?” Ang sarap batukan ng babaeng ito, ang daming gusto. Pasalamat talaga siya, kung may iba lang siyang pwedeng hingan ng pabor, hindi niya ito lalapitan.
She need her help, hindi niya kayang tapusin ang pinapagawa sa kaniya ni Roberta, madali namang pakiusapan si Krizzy, basta may macchiato.
“Here, bumili ka.” Inabot niya rito ang 20 pesos na barya. “Kulang pa ito, 60 pesos kaya iyong 110 grams.” Binalik nito iyong bente sa kaniya. Maaubos na talaga ang pasensya sa babaeng ito.
Labag sa loob na kumuha siya ng isang daang piso sa purse coin niya. “Oh iyan na, keep the change.” Nangigil na sabi niya rito, agad naman itong lumabas ng kwarto.
Pagkalabas na pagkalabas ni Krizzy ay humiga na siya sa bunk bed nito, nahirapan siyang umakyat, dahil sa suot niyang blusa na muntik ng sumabit sa naka usling pako. Kung bakit kasi mas gusto ng babaeng iyong ang upper bunk, ang hirap kayang umakyat, buti hindi ito nauuntog sa kisame. Kung matangkad naa siya sa 5’9 mas matangkad naman si Krizzy na runner up sa Binibing Pilipinas.
Ms K: [exploding head emoji]
…..
Ms K: totoo ba itong nakikita ko?! Si JAS MY CRUSH IS HERE!!
…..
Ms K: [smiling face with heart-eyes emoji]
….
Ms K: Sino’ng pipiliin ko? [thinking face emoji]
Ms K: iyong crush ko o iyong like ko? [squinting face emoji]
Ms K: Siya ba na pangarap ko? [money-mouth face emoji]
Ms K: O siya bang kumakatok sa heart ko? [neutral face emoji]
Ms K: [thinking face emoji] [thinking face emoji] [thinking face emoji]
Are you sure to block this person? YES or NO
FREAKING YES!
Wala akong panahon na problemahin ang problema ng babaeng ito sa love life niya, madami na siyang isipin.
You nerd why blocking her?! You still need her, baliw ka!!
Marimar: If you want to love others, you should Love Yourself first. [smiling face emoji]