bc

Caught up (Tagalog)

book_age18+
19
FOLLOW
1K
READ
dark
aloof
sensitive
drama
mystery
city
office/work place
secrets
Writing Academy
passionate
like
intro-logo
Blurb

Alondra is a 26 year old single lady, and because of that one incident when she was young ay natakot na siyang makipag close sa ibang tao, pero isang araw ay nagbago ang lahat, this jerk guy named Seb.

He make a deal with her, sa takot na ibunyag nito ang sekretong tinatago niya ay napilitan siyang pumayag sa deal ng binata, basta tutulungan niya lang daw ito sa pinsan niyang si Roberta.

Kailangan niyang mapaglapit ang pinsan niyang si Roberta kay Seb, na alam naman niyang napaka imposible, dahil sa katauhan ng pinsan niya.

Paano niya sasabihin at ipapaliwanag kay Seb na iba ang gusto ni Roberta?

Paano na ang deal nilang dalawa?

Ang sekreto niya?

Ang puso niya?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
‘El que con lobos anda, a aullar se enseña.’ He who runs with wolves will learn to howl. ‘Dime con quién andas y te diré cõmo eres.’ Tell me who is your friend, and I will tell you who you are. She was like that, she was influence by her friends, at dahil sa maling grupo na kaibigan siya napasama ay naging kagaya rin siya ng mga ito, she is the bully of her classmate, the blackmailer, she blackmail her teacher in her one major subject, she also have a S*gar  Dad*y, one of the b***h talaga siya Pag naalala niya iyon, ay hindi niya maiwasang magalit sa sarili, she is guilty as heck! Tuwang tuwa si Satan sa mga ginawa niyang iyon, umiiyak naman si God for her, at si konsensya hiyang hiya na sa mga kabalbalan na ginawa niya at iniwan siya, ang natitira na lang ay ang kahihiyan at ang pandidiri sa sarili. Nasa third year College na siya ng bumalik si konsensya, at bago pag magsimula ang ang Prelim exam ay nag drop na siya. She thinks, that its the best way, leaving that University and those people behind.  Napabalikwas siya sa kaniyang mahimbing na pagkakatulog, that dream again. Bumangon na lang siya kahit wala pang dalawang oras ang tulog niya, hindi rin siya makakabalik sa pagtulog dahil mapapaniginipan na naman niya iyon. She is living alone in her pad, its a gift from her Abuelo and Abuela, four years ago. She going to her work now, kahit sobrang aga pa ay, mas minabuti na lang niyang maligo at umalis ng maaga, kung iisipin niya ang napanaginipan niya ay masisira lang ang araw niya. Past is past. She is working to her cousin Apparel Company, as Marketing Assistant so far okay naman ang trabaho niya, hindi siya nahihirapan, maybe because of her connection to Roberta, the CEO of Smart Pants Co., kaya hindi siya binibigyan ng mabibigat na trabaho ni Sir Dars. Malapit lang ang Company sa Pad niya, 10 to 12 minutes of walking, at iyon ang exercise niya tuwing umaga. Narerelax siya kapag naglalakad siya ng ganoong kaaga, wala pa kasing tao sa kalsada at wala pang usok na nakakasulasok. Hindi na nagulat sa kaniya ang matandang security ng makita siya nito, pinag buksan naman siya agad ng gate ng matanda. Inalok siya nito ng kapeng barako at ng spanish bread na hindi naman niya tinanggihan, favorite niya kasi iyon pero mas masarap kung  pandesal. Umupo siya sa silyang bakante na naroon. Nag kwentuhan silang dalawa, kinamusta niya ang asawa nito na nagtitinda sa palengke, na sa pagkaka alam niya ay may hypertension. Mabait ang matandang security guard sa kaniya pag nakikita siya nito ay agad itong ngumingiti sa kaniya. Pero sabi ni Krizzy masama daw ang ugali nito at napaka higpit sa kanila, paano naman kasi, hindi sumusunod sa dress code ang mga ito, kung sana sumunod sila, hindi sana nababawasan ang mga sahod nila. Manong guard is just doing his job, kaya huwag nilang sisihin si Manong. Hindi niya namalayan ang oras, tawa siya ng tawa kay Jokoy na isang half Filipino and half American na stand-up comedian. “Really? Thats good Sir.” Narinig niya agad ang boses ni Krizzy kaya agad niyang minimize ang window at nag open ng ibang window kung saan naka open ang Yahoo mail. Mahirap na baka mamaya maidaldal pa ni Krizzy na iba ang ginagawa niya. Kasabay pala nito si Sir Darwin ang Supervisor ng Marketing Team, kaya binati niya ito ng makita siya, nagulat naman si Krizzy sa kaniya ng makita siya nito, hindi pa pala nito na re-realize nanaroon na siya.  “Oh my my ka talaga girl, na shook ako sayo.” May paghawak pa sa dibdib si Krizzy, oa talaga ang isang ito, inarapan na lang niya ito at saka niya pinagmasdan ang lalaki na abala sa pagpindot  ng remote ng Aircon at nang makontento na sa lamig ay binalik na niya iyong remote sa lagayan nito, at saka palihim na nagnakaw tingin kay Krizzy na busy sa pagaayos ng gamit nito. Napasimangot siya, she know na may something si Sir  Darwin kay Krizzy, at si Krizzy naman walang kaalam alam na iyong crush niya may crush din sa kaniya. Minsan gustong gusto na niyang sabihin kay Krizzy na may gusto si Sir sa kaniya, pero ayaw niyang maging pakialamera, kung titignan perfect match sila, kung gaano kadaldal at walang hiya si Krizzy ay ganoon naman katahimik at kaseryoso ni Sir Darwin. Umaray siya ng maramdaman ang paghampas sa kaniya ni Krizzy kaya hinampas niya rin ang braso nito ng mas malakas kaya nabuwal ito sa pagkakaupo. Napansin siguro nito na nakatingin dito si Sir, kaya  kinilig, at kapag kinikilig ang babaeng ito ay nanakit, puro pasa na nga siya dahil sa pag hampas hampas nito sa kaniya. “Binabalik ko lang.” taas kilay niyang sabi rito, at saka niya tinuloy ang panood ng video ni Jokoy. Maya maya ay hinila ni Krizzy ang upuan niya papalapit rito at may binulong ito sa kaniya, na hindi naman niya inintindi. Wala siyang pakialam kung may bagong empleyado or what. “Pogi raw, sabi ni Sir, baka ito na iyong Mr. Right, ang love of your life, ang icing sa cupcake mo?’ Exaggerated na sabi nito, na may pagkanta pa ng Mr. Right ni Kim Chui, na naiinis siya kapag naririnig niyang pinapatugtog sa Company nila, ang baduy baduy! Eww! Mas gusto ko si Killer Bride! She is not a fan ng mga palabas sa television, but Killer Bride is the exemption, iba ang storyline nito at ang characyer ni Camila ang gustong gusto niya, hindi siya ang tipikal na character sa palabas na kailangan ng knight in shining armor or iyong leading lady na laging umiiyak, at hindi man lang magawang ipagtanggol ang sarili niya sa antagonist.  Naalala niya tuloy ang favorite niyang Venezuelan telenovela na La Mujer de Judas at ang character ni Astrid Herrera na si Altagracia Del Toro, hindi niya maiwasang mapangiti kapag naalala niya Abuela niya na hook rin sa mga Mexican at Venezuelan telenovela. At dahil s kahiligan nito ay doon nakuha ang pangalan niya na Alondra na same Title ng pangalan niya sa 1995 drama series, at ang Thalia naman ay galing sa pangalan sa totoong pangalan ni Maria Mercedes na inaabangan din nito noon. Napabaik siya sa realidad ng tawagin siya ng sekretarya ni Roberta ang pinsan niya na boss niya, bihira sila magkausap ng pinsan niyang ito, hindi dahil sa hindi sila close, talagang business minded lang ito.  Family is family, and work is work, hinihiwalay nito ang mga pesonal matters sa trabaho. “Anong meron? Bakit pinapatawag ka ni bossing?” Tanong nito, nagkibit balikat siya, wala siyang ideya. Dala ang notebook at ballpen niya ay umakyat siya sa top floor kung nasaan ang opisina ni Roberta. Kumpara sa ibang pinsan niya, ay napaka misteryosa nito, masyadong tahimik, parang siya, kaya naiintindihan niya ito, kaya nga sila ang pinaka malapit sa isa. Kumatok muna siya ng tatlong beses saka niya binuksan at pumasok sa opisina nito, naabutan niya itong may kausap sa cellphone, at base sa naririnig niya ay kausap nito sa kabilang linya ang Mama nito, umupo na lang siya sa visitor chairs at nag doodle ng kung ano ano sa notebook niya. Mama Louisa is her father sister, and panaganah anak nila Abuelo, pagkamatay ng Papa Ricky ay napangasawa naman nito ang si Tito Julio na tubong Batangas rin, sabi ni Romina, malapit na kamag anak daw ni Tito Julio si Segunda Katigbak, thats explain dahil Calao ang surname ni Tito at maaring ngang apo ito sa pinsan ni Segunda. Napatalon siya sa kinauupuan niya ng gulatin siya ni Roberta mula sa likuran, tawang- tawa naman ito sa reaksyon niya na may paghawak pa sa tiyan, nahawa na siya kay Krizzy na magugulatin.  At para makaganti rito ay hinampas hampas naman niya ito ng hawak niyang notebook. Hapong hapo silang dalawa sa hampasan portion, they are really crazy, nang makabawi sa pagtawa ay doon na siya nagtanong, hindi naman siya ipapatawag nito kung hindi naman importante. Hindi naman mawaglit sa isip niya na baka nag complain iyong supplier nila na Instik at tinawagan na si Roberta para ireklamo siya, sa pagiging unprofessional niya, meron kasing prank call siyang natatanggap tuwing gabi, kung kailan lagi na lang na siya ang natitira sa office. Sino ba ang matinong tatawag ng ganoong oras, tapos ayaw pang sumagot noong nasa kabilang linya. At noong nakaraang araw nga ay nag-call back na siya, pagsagot na pagsagot nito ay kung ano ano na ang sinabi niya at ganoon na lang ang panlalambot niya nang mabosesan niya ito, si Mr. Ching iyon ang isa sa mga supplier nila, mali pala ang napindot niyang number. “Si Abuelo, he want na umuwi ka, mamatay na yata ang matanda at gusto na niya tayo makita, at ibibigay na niya sa atin ang mga parte natin sa mana.” Natatawang sabi nito, hinampas niya ito. “Seryoso nga, saka hindi agad mamatay si Abuelo mas malakas pa iyon sa kalabaw.” ani niya dito.  “Im serious, Abuelo want us na bumalik ng Batangas, sa tingin mo, ano na naman ang binabalak ng matandang iyon? May nabanggit ba siya sayo noong huling nagpunta siya rito?” Seryosong tanong nito sa kaniya Umiling siya, wala namang nasasabi sa kaniya ang matanda, pero ang sa pagkakantanda niya ay nakikitira ngayon sa mansyon ang apo ng kaibigan nito na nagbabakasyon sa Batangas. Walang nagawa si Krizzy nang gawin siyang driver ni Roberta,  she cant say no to their Boss, kaya panay parinig ito kanina habang nasa byahe sila. Parehas na wala silang sasakyang mag pinsan, at ayaw rin namang makipag sisikan sa terminal ni Roberta, kaya tinawagan niya si Krizzy. After a few hours ay natatanaw na nila ang malawak na lupain ng grandparents niya, nakikita na rin niya ang mga kabayo na malayang tumatakbo sa parang. Hindi mapigilang hindi mapasinghap si Krizzy sa ganda nga ng mga kabayo.  Agad na sinalubong sila ng mga tauhan ng Abuelo niya, at tinulungan silang ibaba ang mga bitbitin nilang mga gamit at mga dala dala rin nilang mga pasalubong na wala rito sa probinsya. Pagtapak pa lang ng mga paa niya sa lumang mansyon ay nakita na agad niya ang Abuela niya na nakatanaw mula sa itaas ng mansyon, na tinayo pa noong 1903.  Agad siyang umakyat patungo sa matanda habang nasa tabi nito ang caregiver na na kinuha ng Mama niya para rito, lumapit at lumuhod sa harapan nito para mag mano at yakapin ito ng mahigpit, kahit na hirap na hirap ito s pagtayo ay tumayo ito para yakapin si Krizzy na namamangha pa rin sa labas ng Mansyon. “Te extraño Abuela.“ bulong niya rito nga mapag isa sila sa loob ng bahay. Tulak ang wheelchair ng kanyang Abuela ay dinala niya ito sa kwarto niya gamit ang elavator na para sa matanda, ang Caregiver naman nito ay sinamahan si Krizzy na mag ikot sa lupain, habang ang pinsan naman niyang si Roberta ay kausap ang mga iba nilang pinsan na ngayon ay hindi niya alam kung nasaang parte na ng bahay. “Nagustuhan mo po ba Abuela?” tanong niya sa matanda, binili niya ito ng memory foam pillow at dalawang pares ng soft and warm slipper na gagamitin nito kapag nasa bahay at kapag aalis ito. Tumango tango ito at saka hinawakan ng mainit nitong kamay ang palad niya na nilagay naman niya sa pisngi niya para damhin ang init noon. Gustong gusto niya ang mainit na kamay ng Abuela niya, nakakaramdam siya ng mainit na haplos sa puso niya at ng kapayapaan at ng comfort kapag hinahawakan at dinadama ang palad nito. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala ang Abuela niya habang nagkukwento siya sa mga nangyari sa kaniya for the past two months na wala namang pagbabago, she just omit and change some of her stories, like na kaya siya may eyebags ay dahil sa insomnia niya, at hindi sa pagiging addict niya sa Korean Drama, na okay lang siya kahit na minsan dinadalaw siya ng Anxiety niya lalo na kapag gabi at mag isa na lang siya. Muntik na siyang mapa-mura ng biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya, at dahil hindi niya kilala ang nagbukas ng pintuan ay sumigaw siya ng ‘magnanakaw’. Dahil sa natatakot na may gawin itong masama sa kanilang mag lola ay binato niya rito ang vase na inabot niya lang sa bedside table at mabilis na nailagan nito ang binato niyang vase kaya nahulog ito at nabasag ito, buti na lang malalim ang tulog ng Abuela niya kaya hindi ito nagising sa ingay.  “Whoa whoa! Take it easy, hindi ako magnanakaw.” Taas kamay nitong sabi at nang akmang ibabato naman niya ang bakal na telepono. Ibabato na sana niya ito ng bigla namang sumuot si Romina sa pintuan at nasa likod na ito ng magnanakaw, humihingal pa ang teenager niyang pinsan na may dala ring vase, na mas malaki compare sa binato niya kanina, nakita niya kung paano lumunok ang magnanakaw sa dala ni Romina. “What happened? Nasaan ang magnanakaw ate? Tirik na tirik ang araw may magnanakaw?? Hi kuya Jas ano ang ginagawa mo rito? Ay teka teka bakit..bakit naka bold ka?” Sunod sunod na tanong ni Romina. Shite na malagkit hindi pala siya magnanakaw. “Oh you are the great Thalia, kinukwento ka sakin ng Lolo Guillermo, finally na meet na rin kita, by the way Im Sebastian, but you can call me Jas or Seb or Baste or Basty whatever you like.” mayabang na sabi nito, nilahad pa nito ang kamay nito sa kaniya para makipag kamay pero dinedma niya, kaya nawala ang ngiting aso nito. “So tell me, ano ang ginagawa mo sa room ko, at bakit basta basta ka na lang pumapasok? Wala ka bang manners?” Sunod sunod na tanong niya rito habang naka pamewang siya. Hindi na niya kailangan na magpakilala rito dahil kilala na rin pala siya.  Nasa likod sila ng Mansyon, at tumutulong siya sa pagluluto ng mga handa nila para bukas, na ngayon niya lang naalala na Fiesta pala, kaya sila pinapauwi mag pipinsan. “Im sorry about that, but doon kasi ako pinagstay at dahil iyong room mo lang ang may pinaka magandang view sa lahat, and..and your Grandpa let me use that room, if you want, I will ask him to—“ pinutol niya ang sasabihin nito. “You can use that room.” Mabilis niyang sabi rito at saka niya ito nilampasan. “Maraming kwarto dito, ang sakin lang, knock before you open. Hindi kasi maganda iyong ginawa mo kanina.” Huling sabi niya bago pumasok sa dirty kitchen ng bahay. That guy have the audacity to use her Abuelo against her. Kanina niya lang umaga nalaman sa Abuelo nila na anak pala ito ng kaibigan at nagbabakasyon ito sa Pilipinas, at may dalawang linggo na daw ito roon sa kanila. Kaya pala ganon kalakas ang hangin nito at kung umasta ang kumag, feeling close sa mga tao sa bahay, parang siyang hari kung mag utos ito sa mga kasambahay nila, at may pagtaas pa ito ng paa sa coffee table na never niyang ginawa. Hindi niya mapigilang hindi mapailing, at isa pa itong si Krizzy na panay nakaw ang tingin sa lalaki, na akala mo ay ngayon lang nakakita ng lalaki dahil sinusundan talaga nito ang bawat kilos ng Seb na iyon. Tsss! Mas madaming gwapo at matikas sa Manila, hindi lang siya! Naagaw naman atensyon niya ang pababa ng hagdanan na si Roberta na naka suot ng full horseback riding attire. Nakatali ang hindi kahabaang buhok nito, kaya kitang kita ang namumula nitong pisngi dahil sa init ng panahon. Natural rosy cheeks, ika nga. Fit na fit ang suot nitong pants kaya kitang kita ang hugis ng mabilugang legs nito, kaya kitang kita rin niya kung paano pinagmasdan at may pagtulo pa ng laway ang hambog na lalaking iyon, at dahil sa inis pa rin siya lalaking ito ay humarang siya sa view nito, hindi nito masisilayan ang kagandahan ng pinsan niya.  Tinaasan niya ito ng kilay ng mapatingin ito sa kaniya, at tinitigan niya ito na para bang sinasabi na, ‘What are you looking at!? Gusto mong dukutin ko iyan mata mo?’  Nakasimangot ito na binalik ang paningin sa pinapanood nitong movie sa TV. Tuwang tuwa siya na makita kung paano na dismaya ito sa ginawa niya, serves him right!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.3K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
548.5K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.8K
bc

SADISTIC PLEASURE ( Tagalog )

read
205.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M
bc

NINONG III

read
416.8K
bc

The Daughter of Darkness (TAGALOG-ROMANCE)

read
209.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook