TOR’s POV Kami n ani Cha ang magkasabay na pumasok. Sa may tapat ng gate ng school siya bumaba. Hinintay ko muna na makapasok siya sa campus bago ako umalis at nagtungo sa pasukan ng mga sasakyan. Kahit tahimik kaming dalawa habang papasok sa school ay masaya na rin ako. Alam kong kasama ko siya at hindi ako mag-aalala ay okay na ako roon. Ayaw ko rin madaliin ang mga bagay. Alam ko ang lalim ng nagawa ko kay Cha. Dahil maaga pa ay nagpahinga muna ako dito sa aking sasakyan. Binuksan ko lang ng bahagya ang salamin at saka ako natulog. Naalimpungatan ako dahil may kumatok sa aking salamin. Nandito si Janice. Feeling niya talaga na gusto ko siyang kasama. Ito naman ang ipinaparamdam ko sa kanya nitong mga nakaraan dahil kung hindi ganito ang pakikitungo ko sa kanya ay hindi ko makukuh

