TOR’s POV Naabutan na naman ako ni Janice sa parking nang sumunod na araw. Mas maaga ngayon ang gising ko para maihatid ko si Cha. Ayaw ko naman na hindi ako ang maghahatid sa kanya. Habang papasok kami kanina, natanong niya ako tungkol kay Janice. “Ganoon na ba siya ka-komportable sa iyo na humawak?” normal lang naman ang boses niya habang sinasambit ang mga salitang ito. Maaaring ang tinutukoy niya ay ang pag-abrisyete ni Janice sa akin kahapon nang pumasok kami ng library. Iyon din yung nakatingin si Cha sa amin. “Ah, hindi naman. Siguro nakita ka niya kaya bigla siyang humawak. Hindi ko na rin pinigilan dahil para mas mapadali ko siyang mapaniwala na nagkakaroon na ako ng interes sa kanya.” “Meron na ba?” napalingon ako sa kanya. “Merong ano? Na may gusto na ako sa kanya? No

