TOR’s POV Nalaman na nina Mommy at Daddy na okay na kami ni Cha. Hindi ko lang sure kung hanggang saan ang alam nila tungkol sa amin. Kung sinabi na ba sa kanila ng dalawa kong kapatid ang lahat o pwedeng si Ate Yolly rin ang nagsumbong sa mga ito. “Dad,” sagot ko sa tawag ni Daddy. Kasalukuyan akong nandito sa kwarto at tinutulungan ko si Cha na mag-ayos ng aming mga gamit. Para mailipat niya ang mga gamit niya ay inayos niya rin ang sa akin. “I heard na okay na kayo ni Cha. Magsasama na ba kayo bilang mag-asawa?” Diretsong tanong ni Daddy. For sure, may nagsabi na talaga na magkasama kaming natulog sa kwarto ko. “Yes, Dad. We’re okay na po ni Cha at opo rin ang sagot sa tanong po ninyo.” Nahiya akong bigla. Tumitingin si Cha, habang nagsasalita ako. “Masaya kami ng Mommy ninyo

