TOR’s POV Sabay kaming pumasok ni Cha at ngayon ay sa loob na ng school ko siya ibaba. Wala na akong paki-alam kung makita ba kami nina Janice at Brent na magkasama. Tama ang sinabi ni Daddy na huwag na naming ituloy ang plano at huwag na namin itago ang relasyon naming mag-asawa. Baka mas madali namin malaman ang reaction ng mga kalaban kapag malaman nilang okay kaming dalawa ni Cha. Iyon naman ang purpose ng paninira nila – ang paghiwalayin kami ni Cha. Papasok na kami sa school. Nakisabay pa ang mga kapatid ko kaya hindi kasmi makapagsolohan ni Cha. Ewan ba sa mga ito kung ano ang naisipan at nakisabay sa amin. Dati rati naman ay kay Kuya Oscar sila nagpapahatid. Kung kailan kami okay na ni Cha, saka ito mga nagkaroon ng interes na sumabay sa akin. Limitado lang ang pwede naming

